Nakakatuwa si Dion dahil bukod sa inaalalayan niya sina Chuck at Paolo ay nagtuturo rin ito ng ilang mga tips. At least, hindi siya nagpapakita ng pagdadamot sa dalawang baguhan.
Ang isa pang nakabibilib ay ang pagpapakitang gilas ni Jewel Mische sa pag-arte sa episode nitong ala Cofria na ginawa noon ni Nora Aunor. Makikita n’yo kung paanong kay bilis na tumulo ang kanyang luha habang nilalait siya ni Chanda Romero sa kanilang akting.
Abangan n’yo po ang bagong yugto ng Magic Kamison na maraming inihandang sorpresa sa mga manonood.
Masyado raw kasing OA ang kahit na simpleng pagbabalita nito sa mga isyung na-assign sa kanya. Lagi raw nakasigaw at nandidilat pa ang mga mata nito sa kahit na wala namang kwentang tsismis na kanyang ibinabalita. Hindi na raw ba mababago ang sistema nito na laging pagalit kapag nagsasalita ang sikat na talk show host?
Ganundin ang sinabi niya sa akin nung magkita kami sa Amerika. Kaya nga raw siya nandun dahil ayaw niyang magulo ang buhay niya. Nananahimik na nga naman ang pribado niyang buhay kung saan nagagawa niyang libre ang lahat ng gusto niyang maibigan sa US. Nakapag-aral siya at ngayon ay nagtatrabaho ng marangal.
Kung talaga raw may gustong gawan siya ng movie, eh hindi dito sa ‘Pinas kundi mismo sa Amerika. Pagkaganun ay tiyak na papayag daw siya sa ganitong set-up.
Humanga sila sa Kamasutra number nito at hanggang matapos ang show ay bumilib ang mga manonood. Ganyan talaga si Vina, showgirl ang effect sa kanyang mga performances. Pagdating nito sa entablado, talagang mapapaindak ka sa kanyang mahusay na pagi-entertain mapakanta o mapasayaw. Kaya hindi na nakakapagtakang pinababalik na naman siya sa US para mag-concert.