Almost two months na raw closed ang nasabing resto ng grupo.
Nalugi na raw at ayaw nang maglabas ng mga owner ng money kasi nga medyo malaki-laki na ang lugi nila.
Walang return of investments ayon sa source kaya nag-decide silang finally i-close down na ang Bubble Gang Toppings.
Malaki-laki rin daw ang lumipad na money nila Ogie sa nasabing negosyo kaya sad mang isipin, wala na silang magawa.
Ginawa naman daw talaga nila Ogie ang lahat para maka-survive ang nasabing resto, pero hindi raw nag-materialize.
Hindi kaya ito ang announcement ni Ogie sa June na marami nang pre-publicity?
Ha ha ha! Sus, pag ito lang hindi worth the wait ang ginawa ng marami.
Pero hindi, sure na something explosive daw ang announcement ng singer tungkol sa kanila ni Regine Velasquez at tapos na raw ang interview nito sa isang local magazine dahil next month ay nasa Amerika si Ogie kaya sinabi na lahat niya sa nasabing local magazine.
Magkasama sina Ogie at Regine sa book launching ng negosyanteng si Mr. Gonzalo Co It sa Manila Hotel kamakailan.
Kaya lang nagmamadali si Ogie kaya hindi na namin masyadong natsika.
In fairness, clean living na raw si Bernard kaya lang sadly, parang wala siyang project sa kanyang Kapamilya Network.
Anyway, aside from Bernard, balitang nasa rehab na naman si Baron Geisler na ang manager na pala ngayon ay si Leo Dominguez.
Ayon sa source, hindi na raw kasi ma-control si Baron na ilang beses na nga bang nabalitang nagwawala dahil ‘high’ daw.
"Sayang din itong si Baron. May potential, pero sinayang niya," sabi ng source.
"Hopefully after niyang ma-rehab, magbago na nga siya or else forever na siyang ganyan," the source commented.
May certain magic yata ang entertainment pages sa readers. Usually kasi after ng banner, entertainment section na ng isang particular newspaper ang binabasa ng readers na hindi puwedeng i-deny dahil base sa survey, ang balitang artista talaga ang mas maraming nagbabasa.
Kaya nga lahat ng senatoriables, gustong magpa-presscon sa entertainment media. Pero namili lang si Mother Lily Monteverde ng i-endorse. Kaya suwerte yung mga napili ni Mother.
Kaya lang bakit parang sa dinami-rami ng mga artistang tumatakbo, si Victor Wood ang hindi nagpaparamdam?
He he he! Bakit kaya hindi siya naisipang i-endorse ni Madam Auring? Siguradong riot yun.
May natitira pang ilang araw sa kampanya, baka gusto pang humabol ni Madam Auring for Victor Wood na nagpaparamdam na bakit naman daw artista lang ang nasa senado, for a change daw singer naman ang ihalal like him.
Ha ha ha! Di ba kakaaliw?