Sa pag-iingay sa annulment nila ni Monching: Lotlot, puwedeng kasuhan ng perjury
May 7, 2007 | 12:00am
Kung kami ang tatanungin, hindi na dapat palakihin pa bilang isang issue ang paghingi ni Lotlot de Leon na ipawalang bisa ang kasal nila ni Ramon Christopher.
Una, talaga namang walang bisa iyon sa simula’t simula pa lang. Under age noong panahong iyon si Lotlot, at sa ilalim ng batas natin, hindi maaaring ikasal o pumirma ng marriage contract ang isang taong wala pang 18 taong gulang kahit na siya pa ay bigyan ng parental consent. Kung natatandaan ninyo, kontrobersyal noon ang kanilang kasalan, na dapat sana ay gagawin sa simbahan ng Our Lady of Mt. Carmel, na siyang parokya nina Monching, pero hindi natuloy doon dahil sa paningin ng mga pari, magiging "putative marriage" nga lamang iyan dahil wala nga sa edad si Lotlot. Baka madamay pa sila kung ikakasal nila ang dalawa.
Iyong pagpirma ni Lotlot sa marriage contract kahit na siya ay wala pang 18 taong gulang, at iyong pagpiprisinta niya ng parental consent mula kay Nora Aunor na hindi naman niya legal parent dahil hindi naman legal ang adoption sa kanya, kung iisipin mo panibagong kaso iyan. Perjury ang tawag diyan. Kung ididiin, maaaring managot pa si Lotlot sa ilalim ng batas.
‘Yun ding ministro na nagkasal sa kanila, hindi naman yata paring Katoliko iyon dahil bawal sa mga pari ang magkasal sa labas ng simbahan, ay maaari ring managot kung may magsasampa ng kasong perjury dahil sa kasalang ‘yan. Iyon pa lang pagkuha nila ng marriage license kung saan pumirma si Lotlot na siya ay nasa legal na edad at hindi pala ay perjury na eh.
Kaya ang paniwala namin diyan, talaga namang hindi sila kasal sa simula’t simula pa lamang, at hindi dapat na mag-ingay pa sa paghingi ng annulment, baka nga may magbukas pa ng katotohanan at mapanagot pa si Lotlot ng perjury.
Isa pa, noon namang mga panahong iyon ang talagang girlfriend ni Monching ay si Tina Paner. Tanungin ninyo iyong mga kasamahan nila noon sa That’s Entertainment, at si Lotlot ang talagang may crush kay Monching.
Tama si Senador Gringo Honasan. Sinabi niyang baka nga may mabuting naidulot ang EVAT sa iba, pero kung ang isang batas ay nakasasama sa mga mas mahihirap, dapat sana inisip muna bago ipinatupad. Nabanggit iyan ng senador nang may magtanong sa kanya kung ano ang palagay niya sa EVAT na siyang nagpapahirap at pumatay na sa industriya ng pelikula sa ating bansa.
Nasabi ng senador na siguro nga, dapat mapag-aralan iyang muli, at kung nakakasama nga sa industriya, maaari namang gawan ng paraan, o gumawa ng ibang batas na makapagbibigay naman ng kaluwagan sa industriya kung sakali.
Iniwan ng gay actor ang boyfriend niya noong BI na singer nang makilala niya ang isang gay matinee idol na hindi pa naman sikat noong panahong iyon. Ngayon natatawa na lang ang BI na singer sa tuwing mababanggit ang pangalan ng gay matinee idol na ipinalit sa kanya noon ng ka-relasyon niyang gay na aktor. Wala na rin naman ngayon ang gay na aktor at ang gay matinee idol. May kanya-kanya na rin silang buhay, at kanya-kanyang boyfriends na rin.
Una, talaga namang walang bisa iyon sa simula’t simula pa lang. Under age noong panahong iyon si Lotlot, at sa ilalim ng batas natin, hindi maaaring ikasal o pumirma ng marriage contract ang isang taong wala pang 18 taong gulang kahit na siya pa ay bigyan ng parental consent. Kung natatandaan ninyo, kontrobersyal noon ang kanilang kasalan, na dapat sana ay gagawin sa simbahan ng Our Lady of Mt. Carmel, na siyang parokya nina Monching, pero hindi natuloy doon dahil sa paningin ng mga pari, magiging "putative marriage" nga lamang iyan dahil wala nga sa edad si Lotlot. Baka madamay pa sila kung ikakasal nila ang dalawa.
Iyong pagpirma ni Lotlot sa marriage contract kahit na siya ay wala pang 18 taong gulang, at iyong pagpiprisinta niya ng parental consent mula kay Nora Aunor na hindi naman niya legal parent dahil hindi naman legal ang adoption sa kanya, kung iisipin mo panibagong kaso iyan. Perjury ang tawag diyan. Kung ididiin, maaaring managot pa si Lotlot sa ilalim ng batas.
‘Yun ding ministro na nagkasal sa kanila, hindi naman yata paring Katoliko iyon dahil bawal sa mga pari ang magkasal sa labas ng simbahan, ay maaari ring managot kung may magsasampa ng kasong perjury dahil sa kasalang ‘yan. Iyon pa lang pagkuha nila ng marriage license kung saan pumirma si Lotlot na siya ay nasa legal na edad at hindi pala ay perjury na eh.
Kaya ang paniwala namin diyan, talaga namang hindi sila kasal sa simula’t simula pa lamang, at hindi dapat na mag-ingay pa sa paghingi ng annulment, baka nga may magbukas pa ng katotohanan at mapanagot pa si Lotlot ng perjury.
Isa pa, noon namang mga panahong iyon ang talagang girlfriend ni Monching ay si Tina Paner. Tanungin ninyo iyong mga kasamahan nila noon sa That’s Entertainment, at si Lotlot ang talagang may crush kay Monching.
Nasabi ng senador na siguro nga, dapat mapag-aralan iyang muli, at kung nakakasama nga sa industriya, maaari namang gawan ng paraan, o gumawa ng ibang batas na makapagbibigay naman ng kaluwagan sa industriya kung sakali.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended