Malas sa pag-ibig si Rochelle!

Excited ang Sexbomb girl na si Rochelle Pangilinan dahil personal niyang makikita ang lugar na may produktong manggang kasing laki ng papaya, ang Jaen, Nueva Ecija.

Ngayong May 4, tampok si Rochelle sa gaganaping parade of stars doon. Makakasama niya sina Joseph Bitangcol, Louise Bolton, Halina Ameri, Jan Manual at iba pa.

Matagal na siyang iniimbitahang bumisita doon ng mga fans at ni Mayor Santy Austria, kaso nga lang, hectic ang schedule niya. Ikakampanya niyang panoorin sa Jaen, ang bago niyang episode, ang ika-15 season ng Daisy Siete, Isla Chikita kasama ang mga Sexbomb girls.

Sa mga nakaraang episodes ay palagi na lang siyang umiiyak. Sabi niya, madali siyang mapaluha, tuwing maaalala ang nakaraang kahirapan noong araw.

"Mabuti nga, sa awa ng Diyos, kahit paano, nalulusutan ko ang problema ko sa bayarin noon," sabi ni Rochelle. Ayaw na raw muna niyang umibig, kasi palagi na lang, hindi natutuloy. Siguro raw, hindi pa talaga dumarating yung lalaking iibigin at mamahalin siya.

"Pulos drawing lang kasi ang love story ko noon," pagbibiro ng actres singer. — VIR GONZALES

Show comments