Iilan na lang kasi ang mga artista natin na totoong serious sa kanilang pag-aaral. At one good example si Sarah dahil never siyang nagreklamo na isinasabay niya ang school and career na hindi kayang gawin ng iba.
By this time, nagpaplano na raw si Sarah na kumuha ng entrance exam sa UP.
Dapat maging role model siya ng maraming kabataang artista na priority ang career kahit hindi naman sila ganun ka-busy sa ca reer. Lagi nilang sinasabi na opportunity knocks only once at ayaw na nila itong pakawalan kaya hindi priority ang school.
Well, meron naman salitang time management at malamang na yan ang ginawa ni Sarah kaya kahit sobrang busy ang career, nagawa niyang makatapos ng high school.
Busy pa siya sa lagay na yan. Ang dami niyang project.
Nagawa niya ang Bituing Walang Ningning na isang malaking tagumpay, nasa ASAP 07 siya, host ng Little Big Star at meron siya ngayong Love Spell.
Nagkaroon pa ng repeat ang The Other Side of Sarah US Tour.
Nothing is really impossible kung may tiyaga.