^

PSN Showbiz

Baby Boy at hindi Baby James ang tawag ni Kris sa kasisilang na anak

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -
Nakalabas na sa ospital ang mag-inang Kris Aquino at Baby James nung Linggo ng tanghali. Maayos na ang kanilang kalagayan pagkatapos mamalagi ng 10 araw sa Makati Medical Center dahil sa ilang kumplikasyon.

Maayos na rin ang blood pressure ni Kris, ang bumababa-tumataas niyang presyon ay kontrolado na ngayon, ang dati niyang BP na 170/110 ay 130/80 na ngayon.

Nakakapag-breastfeed si Kris, hindi nga lang ganun karami ang kanyang gatas. Kaya kinakailangan nilang umasa ng ilang araw sa gatas na mula sa ibang inang kapapanganak lang.

Sinundo ni Kris sa nursery room ang kanyang anak, kinarga niya ang sanggol, pero marami ang nagtaka kung bakit Baby Boy ang itinatawag niya sa kanyang anak at hindi Baby James.

Ilang ulit na ganun ang sinasabi ni Kris, kaya umandar ang pagwa-one-plus-one ng ating mga kababayan, bakit daw kaya Baby Boy ang itinatawag niya sa sanggol at hindi Baby James?

Wala si James Yap nang lumabas ang mag-ina, nasa Baguio raw ito kasama ang Purefoods team dahil dun lumalaro, pero kumpleto naman ang pagbabalitaan ng mag-asawa tungkol sa sitwasyon nilang mag-ina.
* * *
Habang nasa ospital sina Kris at Baby James ay padalaw-dalaw lang si Joshua, nakatira muna ang anak nina Kris at Phillip Salvador noon sa Times St., sa bahay ng dating Pangulong Cory Aquino.

Ang nakakatawa, ayaw nang bumalik sa Oakwood ngayon ni Josh, dun na lang daw muna siya titira sa bahay ng kanyang lola, pwedeng nakakaramdam siya ng selos sa kanyang kapatid at pwede naman dahil maraming kalaro dun si Josh, kaya ayaw muna niyang umuwi sa Oakwood.
* * *
Nakatanggap kami ng anim na pahinang sulat mula kay Ynez Veneracion, sulat-kamay yun ng sexy star, nagpapaliwanag tungkol sa isyung kinapapalooban nila nina Mon Confiado at Juliana Palermo.

Naiintindihan namin ang punto ni Ynez, ang nabasa namin ay emosyon ng isang babaeng nagmahal, nasaktan at nanakit din ng kanyang kapwa.

Pero hanggang dun na lang ang masasabi namin, nahuli kasi sa biyahe ang sulat ni Ynez, marami nang sariwang isda na dumating sa pamilihan.

Bilasa at hilado na ang isyu tungkol sa kanilang tatlo, mas masarap kainin at lasahan ang sariwang isda, hindi na binibili sa palengke ang mga isdang bilasa na dahil bukod sa may malansang amoy na ay hindi pa masarap ang lasa.
* * *
Napanood ni Franzen Fajardo ang panayam namin sa kanyang hiniwalayang asawang si Love Joy sa The Buzz nung Linggo ng hapon, gusto raw niyang sagutin ang mga akusasyon sa kanya nito, gusto raw niyang linawin ang mga kasinungalingang pinagsasabi ni Love Joy.

Kung mapapansin ay una naming binigyan ng konsentrasyon ang panig ni Franzen at ang isinumite niyang kaso sa Quezon City RTC, ang legal separation, pagkatapos nun ay saka lang naming ibinigay naman ang panig ni Love Joy.

Hindi kami nagbigay ng opinion sa isyu at ayaw naming magbigay hanggang ngayon, dahil ayaw naming saktan ang mag-asawang kahit paano’y naging malapit sa aming puso.

Kung magbibigay man kami ng opinion ay paniguradong hindi tungkol sa kanilang dalawa, tungkol yun sa ibang tao, mga taong sa halip na maging tulay para sa pagkakasundo ng mag-asawa ay naging mataas na pader pa.

vuukle comment

BABY BOY

BABY JAMES

CENTER

FRANZEN FAJARDO

JAMES YAP

LOVE JOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with