Escaner, kampeon pa rin sa Superbantamweight

Excited ang Sex­bomb girl na si Ro­chelle Pangilinan dahil personal niyang maki­kita ang lugar na may produktong mang­gang kasing laki ng papaya, ang Jaen, Nueva Ecija.

Ngayong May 4, tampok si Rochelle sa gaganaping parade of stars doon. Makaka­sama niya sina Jo­seph Bitangcol, Louise Bolton, Halina Ameri, Jan Manual at iba pa.

Matagal na si­yang iniimbitahang bu­misita doon ng mga fans at ni Mayor Santy Aus­tria, kaso nga lang, hectic ang sche­dule ni­ya. ­Ika­­­kam­panya ni­yang panoorin sa Jaen, ang bago niyang epi­sode, ang ika-15 sea­son ng Daisy Siete, Isla Chikita kasama ang mga Sexbomb girls.

Sa mga nakaraang episodes ay palagi na lang siyang umiiyak. Sabi niya, madali siyang mapaluha, tu­wing ma­aalala ang naka­raang kahirapan noong araw.

“Mabuti nga, sa awa ng Diyos, kahit paano, nalulusutan ko ang problema ko sa bayarin noon,” sabi ni Rochelle. Ayaw na raw muna ni­yang umi­big, kasi pa­lagi na lang, hindi natu­tuloy. Siguro raw, hindi pa ta­laga duma­rating yung lala­king iibi­gin at mama­halin siya.

“Pulos drawing lang kasi ang love story ko noon,” pag­bibiro ng actres singer.

VIR GONZALES

Show comments