Laban ni Bobby kay Soto para kay Pacman

Nanliligaw ba si Victor Basa kay Carla Humphries sa tunay na buhay?

Aminado si Victor na takot siyang man­ligaw for fear na baka tumanggap siya ng rejection. Dating mo­delo si Victor at second year college student sa La Salle.

Ano ba ang kata­ngiang hinahanap niya sa isang babae? Iyon daw witty at siyempre maganda tulad ni Carla.

Samantala, muk­hang madaling naka-recover si Carla sa kanilang failed relation­ship ni Janus del Prado. Truth to tell ay tila si Janus ang hindi madaling naka­limot. Sa nga­yon ay free as a bird si Car­la na sa ganda at taas na 5’7” ay pwe­deng kumandi­data sa beauty pa­geant.

Ewan lang namin kung type niya si Victor na ipalit kay Janus sa tunay na buhay.

*****

Iisa ang description nina Ro­bin Pa­dilla, Aiai delas Alas, Ba­yani Ag­ba­yani, Bong Alva­rez at Ce­lia Ro­dri­guez kay Ce­sar Montano. Isa itong taong may prin­sipyo at may paninin­digan. Kaya naman todo ang su­portang ibinibigay nila para sa ak­tor na tuma­takbo bilang se­na­dor sa May 14 elek­syon.

Pina­t­u­na­yan ni Ce­sar na pwede niyang talikuran ang kaya­ma­nan sa di niya pag-endorso ng anu­mang uri ng alak o siga­rilyo. Kung nagawa niya ito noon ay kaya rin niyang ga­win ito sa san­daling iluk­luk siya sa se­na­do na kung saan mala­kas ang tuk­song dala ng ka­pang­ya­ri­han at sa­lapi.

– REMY M. UME­REZ

Show comments