Bagong show nila Aga, 50 ang title na pinagpipilian
April 30, 2007 | 12:00am
Magsisimula ngayong Lunes sa Sine Novela ng GMA-7 ang Sinasamba Kita, ang TV remake ng classic movie ng Viva Films. In-update ng scriptwriter ang istorya para makasabay sa pagbabago ng panahon, pero tiniyak ni Direk Joel Lamangan na hindi nawala ang essence ng story nito tungkol sa rivalry ng magkapatid.
Malaking pressure kay Sheryl Cruz ang gampanan ang role ni Divina na ginampanan ni Vilma Santos sa pelikula. Kinailangan niyang iwanan ang character ni Valeria sa Bakekang para mas maging effective sa pino-portray na role.
Pinaaabangan nito ang mga eksena nila ni Wendell Ramos dahil kahit first time lang nilang magkasama, kita raw agad ang kanilang chemistry.
Role ni Christopher de Leon sa pelikula ang ginagampanan ni Wendell at dahil ‘di napanood ang movie, bina-base niya sa script ang atake sa role ni Jerry. Iniwasan niyang panoorin ang pelikula para ‘di niya magaya ang acting ni Boyet.
Parang pelikula ang promo ng Ch. 7 sa Sinasamba Kita sa heavy TV plugging, ginawa sa The Block ng SM ang preview, may soundtrack at poster. Sa napanood naming first episode, magugustuhan ito ng viewers dahil dramang-drama.
Kundi babaguhin ang schedule, this Monday na ang first day taping ng bagong sitcom ni Aga Muhlach sa ABS-CBN, pero sabi ni Bayani Agbayani na kasama sa cast, wala pa ring title ang sitcom. Dagdag pa nito, more than 50 titles na ang pinagpipilian ng creative staff kung saan siya kasama at wala pa rin silang napipiling right title.
Hopefully, bago ang airing nito ay may mapili nang title ng sitcom dahil mahirap naman yatang mag-promote ng walang title. He-he-he!
Nalaman din namin kay Bayani na kasama nila sa cast sina Roderick Paulate, Pokwang at Nova Villa. May bagets stars din silang ka-join na ‘di pa niya alam at mamaya pa nga lang sila magti-taping.
Si Alfred Vargas ang pumalit kay Piolo Pascual na maging endorser at image model ng Hammerhead t-shirts. Nag-pictorial ang actor last Monday sa rest house ni direk Louie Ignacio sa Pagsanjan, Laguna under fotog Ronnie Salvacion.
Nagandahan ang actor sa lugar dahil tahimik at maraming puno at gustong bilhin ang katabing lupa. Hindi nito problema ang perang ipambibili sa nagustuhang lupa dahil may Nuts Entertainment at Muli siya at kasama pa sa Impostora. Panay-panay din ang guesting niya sa ibang show ng GMA-7 at makaka-ipon talaga siya nang pambili sa lupa pati pampatayo ng rest house.
In-announce ni Regine Velasquez sa presscon ng Paano Kita Iibigin na magpapalitan sila ni Piolo Pascual sa paggi-guest to promote sa kani-kanyang home studio to promote their movie. Siya sa ABS-CBN at ang actor ay sa GMA-7.
Maraming umaasa na ang pagpapalitan ng guesting nina Regine at Piolo ay magiging daan para mauso ang pagko-cross over ng talents ng Ch. 2 at Ch. 7 na magsasama sa mga pelikula ng Star Cinema o GMA Films na makapag-promote sa dalawang istasyon.
Sa July 25 ay showing ang Ouija Board ng GMA Films at bida sina Judy Ann Santos na Kapamilya talent at Jolina Magdangal na Kapuso talent. Pumayag kaya ang Ch. 2 na mag-promote nang nasabing pelikula sa kanila si Judy Ann?
In exchange, dapat open din ang Ch. 7 na mag-promote sa kanila ng pelikula ang artista ng Dos na makakasama sa pelikula ng kanilang talent. Hindi ba maganda?
Malaking pressure kay Sheryl Cruz ang gampanan ang role ni Divina na ginampanan ni Vilma Santos sa pelikula. Kinailangan niyang iwanan ang character ni Valeria sa Bakekang para mas maging effective sa pino-portray na role.
Pinaaabangan nito ang mga eksena nila ni Wendell Ramos dahil kahit first time lang nilang magkasama, kita raw agad ang kanilang chemistry.
Role ni Christopher de Leon sa pelikula ang ginagampanan ni Wendell at dahil ‘di napanood ang movie, bina-base niya sa script ang atake sa role ni Jerry. Iniwasan niyang panoorin ang pelikula para ‘di niya magaya ang acting ni Boyet.
Parang pelikula ang promo ng Ch. 7 sa Sinasamba Kita sa heavy TV plugging, ginawa sa The Block ng SM ang preview, may soundtrack at poster. Sa napanood naming first episode, magugustuhan ito ng viewers dahil dramang-drama.
Hopefully, bago ang airing nito ay may mapili nang title ng sitcom dahil mahirap naman yatang mag-promote ng walang title. He-he-he!
Nalaman din namin kay Bayani na kasama nila sa cast sina Roderick Paulate, Pokwang at Nova Villa. May bagets stars din silang ka-join na ‘di pa niya alam at mamaya pa nga lang sila magti-taping.
Nagandahan ang actor sa lugar dahil tahimik at maraming puno at gustong bilhin ang katabing lupa. Hindi nito problema ang perang ipambibili sa nagustuhang lupa dahil may Nuts Entertainment at Muli siya at kasama pa sa Impostora. Panay-panay din ang guesting niya sa ibang show ng GMA-7 at makaka-ipon talaga siya nang pambili sa lupa pati pampatayo ng rest house.
Maraming umaasa na ang pagpapalitan ng guesting nina Regine at Piolo ay magiging daan para mauso ang pagko-cross over ng talents ng Ch. 2 at Ch. 7 na magsasama sa mga pelikula ng Star Cinema o GMA Films na makapag-promote sa dalawang istasyon.
Sa July 25 ay showing ang Ouija Board ng GMA Films at bida sina Judy Ann Santos na Kapamilya talent at Jolina Magdangal na Kapuso talent. Pumayag kaya ang Ch. 2 na mag-promote nang nasabing pelikula sa kanila si Judy Ann?
In exchange, dapat open din ang Ch. 7 na mag-promote sa kanila ng pelikula ang artista ng Dos na makakasama sa pelikula ng kanilang talent. Hindi ba maganda?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended