Patrick, ididemanda ako ng P10M?

Dapat ba akong ma-bother sa balita na ididemanda ako ng libel ng pamilya ni Patrick Garcia dahil sa mga napag-usapan namin ni Papa Deo Macalma sa dzRH noong Huwebes?

Ang tsismis, worth P10 million ang libel case na isasampa sa akin ng kampo ni Patrick.

Ayoko munang mag-over-react dahil hihintayin ko muna ang pormal na reklamo, kung meron man.

Ipauubaya ko sa aking abo gadong si Atty. Noel Malaya ang kaso dahil siya ang mas higit na nakakaalam sa dapat gawin.

Basta ako, ikinuwento ko lang sa radyo ang tsismis na narinig ko at kung hindi totoo ‘yon eh ‘di -ideny ni Patrick! Ipinagtanggol ko rin ang staff ng Startalk sa pambabastos na ginawa sa kanila ni Patrick nang magpunta sila sa set ng Super Twins para mag-interbyu.

Humingi na ng paumanhin si Patrick sa staff member ng Startalk na binastos niya.

Paano kung hindi ako nag-ingay tungkol sa ginawa ni Patrick? Mag-apologize kaya siya o walang gagawin dahil walang nag-react?

Ano ang napatunayan ko sa banta na idedemanda ako? Marami pala ang nakikinig sa radio program ni Papa Deo sa dzRH!
* * *
Bigla ko tuloy naalala ang ginawa noon ni Mikey Arroyo kay Jopay Mañago na reporter din ng Startalk.

Inaway-away ko si Mikey dahil minura niya sa loob ng simbahan si Jopay pagkatapos ng live feed interview namin sa binyag ng kanyang anak sa Sanctuario de San Antonio.

Nagsumbong sa akin si Jopay at dahil mali talaga si Mikey, ako ang umaway-away sa kanya.

Hindi ko ma-take na minura ni Mikey ang isang babae na kasing-edad o matanda pa yata sa kanyang ina.

Nagkaayos na kami ni Mikey nang magkita kami sa victory party ni Manny Pacquiao noong January 2006 sa Wynn Hotel sa Las Vegas.

Siya ang lumapit sa akin at nagsabi na patawarin ko na siya. Mukhang sincere naman ang paghingi niya ng sorry kaya dinedma ko na ang galit ko sa kanya.
* * *
Hindi raw maganda ang resulta sa takilya ng Rumble Boy ni Derick Dee.

Huwag sanang ito ang maging rason para tamarin na si Derick na mag-produce ng pelikula alang-alang sa mga maliliit na manggagawa ng pelikulang Pilipino na tinutulungan niya.

Wala kayang kinalaman ang pagpapalit ni Derick ng spelling ng kanyang pangalan sa poor box-office result ng Rumble Boy?

Baka naman nalito ang moviegoers dahil mas type nila ang name na Derek kesa Derick. Matanong nga si Melanie Marquez!
* * *
Ngayon ang pilot telecast ng Showbiz Central, ang showbiz oriented talk show na ipinalit sa S-Files.

Sa totoo lang, parang title lang ang pinalitan dahil sina Pia Guanio at John Lapus pa rin ang mga host. Nawala lang sina Paolo Bediones at Joey Marquez.

Nabasa ko na ipakikita raw ng Showbiz Central ang sex video na ibinibintang kay Dennis Trillo.

Naghigpit na ang MTRCB sa pagpapalabas sa TV ng mga malalaswang video ng mga artista kaya pahulaan kung malulusutan sila ng Showbiz Cen tral.
* * *
May sakit si Gladys Guevarra kaya hindi ito available sa mga interview. Tinatanggihan ng kanyang manager na si Jun Nardo ang mga request na mainterbyu ang babae na nakaapekto sa buhay nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga.

Hindi ko alam kung ano ang sakit ni Gladys pero siguradong hindi ‘yon heartache na dulot ng word war nila ni Janno. Word war daw o!

Hintayin natin na gumaling si Gladys dahil imposibleng hindi siya sumagot sa mga maaanghang na statement ni Bing against her. Against her daw o!

Show comments