Nakaka-miss ang babaeng sumasama sa dangerous raids against music pirates
April 29, 2007 | 12:00am
Noong Huwebes, Abril 26, ginunita ang ikalawang death anniversary ni Mrs. Bella Tan, isa sa mga kilalang lider ng Pinoy music industry at dating managing director ng Universal Records.
Isang misa ang idinaos sa Universal Tower at ang lahat ng mga dumalo ay naalala ang masasayang araw na kasama siya at ang mahahalagang ambag niya sa pagpapalaganap ng sariling musika.
Sa aking panig lang, hindi makakalimutan ang mga libu-libong mga tagahanga sa Indonesia, Malaysia, Thailand at iba pang bansa sa Asia na tumangkilik sa mga kanta ni Jose Mari Chan tulad sa "Beautiful Girl" at "Please Be Careful With My Heart."
Syempre si Madame Bella ang executive producer ng album na pinanggalingan ng mga worldwide hits ni Joe, ang "Constant Change". Ang mga produkto kasing ginawa niya ay hindi lang sa ating bansa na-promote at naging malaking tagumpay, kundi sa iba pang panig ng daigdig.
Noong mag-Asian tour kami nina Jose Mari Chan, nandoon din si Mrs. Tan.
Paano makakalimutan ang mga Asean tours na tampok ang Universal artists na sina Geneva Cruz at Masta Plann? Nakakagulat talaga na ang mga musikang sariling atin ay tinangkilik din sa ibang bansa ng ASEAN region, dahil na rin sa pagtataguyod ng isang Bella Tan.
Hanggang ngayon, ang kanyang mga albums na na-produce ay kabilang sa mga bestsellers sa buong bansa. Sino ba naman ang makakalimot sa "Bawal Na Gamot" ng bulag na si Willie Garte?
Hanggang ngayon, kinakanta pa sa mga palabas sa TV, sa mga videoke at sa maraming pagtitipon o simpleng umpukan ang "Bawal Na Gamot" na ang pinanggalingang album ay certified diamond disc.
Pati na ang mga topsellers ni Gary Valenciano tulad ng "Shout For Joy" album at "Gary V’s Greatest Hits" ay produced lahat ni Mrs. Tan.
Sa kanyang sipag at tiyaga, marami siyang natuklasang mga bagong artists na nakabilang sa mga pinakasikat sa ating bansa. Nandyan ang Parokya ni Edgar na una naming napanood sa Club Dredd. Doon sa siksikan, mainit at mausok na venue una naming nakita ang Parokya, dahil sa pagyaya sa amin ng aming lady boss.
Si Mrs. Tan pa rin ang bumuo ng Universal Motion Dancers o UMD, na sa unang pagkakataon ay naging celebrities at mga sikat na showbiz personalities ang lahat ng myembro ng isang dance group. Nakagawa pa ng dalawang pelikula noong buo pa sila.
Kasama pa rin sa mga alaala ang mga madaling araw na pilit na paglutas niya sa mga personal na problema ng UMD. Mga madaling araw na uwian sa pagbabantay sa mga recording sessions ng kanyang mga artists. Mga madaling araw na pagpapalitan ng ideas upang ma-promote sa tao ang lahat ng mga plaka ng Universal.
Sa kanyang mga kasamahan sa industriya ng musika, hindi nila makakalimutan ang katapangan ng isang Bella Tan. Kahit isang babae, sumama siya sa mga dangerous raids against music pirates.
Basta sa ikabubuti at ikauunlad ng musikang Pilipino, tiyak na lahat nagawa na ni Mrs. Bella Tan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended