Ayaw ding magsalita ng brother niyang tumatakbong senador na si Alan at maging ng sister niyang senadora, si Ms. Pia Cayetano except sa matutuwa raw sila kung maging ‘sila’ KC at kapatid niyang si Direk Lino.
Kuya ang tawag ni Direk Lino kay Kiko dahil nakilala niya ito through his ate, at ate Sharon kay Mega.
At kung ang dalawa niyang kapatid ay malamang na magsama sa senado, walang kabalak-balak ang batang director na pumasok sa pulitika. Mas gusto raw talaga nitong mag-showbiz. Pero sumagot si Alan na mas gusto ni Lino na maging first gentleman.
Read between the line na lang daw according to Alan.
Ano kayang magiging sagot dito ni Megastar Sharon na hindi man vocal sa nararamdaman nito tungkol kina Lino at KC, pikon daw ito tungkol sa usapan sa dalawa dahil react nga ng isang veteran writer, laging sinasabi ni Sharon sa anak na ‘you should marry a prince’ kaya raw siguro parang mainit ang dugo nito pag ang dalawa na ang issue.
Going back to Alan, according to Mother Lily, lukso ng dugo ang naramdaman niya nang tumawag sa kanya ang anak ni dating senador Rene Cayetano. Aminado kasi ang bagets na kongresista na gusto niyang makausap ang mga entertainment press though naunahan na siya ng maraming senatoriables. Tulad ng paniwala ng marami, ang entertainment sections sa dyaryo ang may pinaka-malaking share ng readership sa isang newspaper kaya matagal na niyang kinukulit si Direk Lino na ipakilala siya sa entertainment media. Hanggang finally, nagkaroon siya ng chance na tawagan si Mother Lily na ang ini-expect pala niya ay konting friends lang ni Mother sa entertainment press ang makakausap kaya gulat siyang ang daming nag-attend na nag-urirat tungkol sa mga intrigang kinaharap niya sa pulitika.
After the presscon, na-justify ni Alan ang mga intrigang binabato sa kanya na kesyo wala naman siyang nagawang bill sa lahat ng mga kongresistang tumatakbong senador ngayong eleksiyon at ang tungkol sa kung anik-anik pang issue sa kanya.
Kilalang matapang at walang pakialam si Ms. Korina sa kanyang sasabihin pag alam niyang nasa tama siya.
At yun ang siguradong mababasa natin sa kanyang column dito sa NGAYON–K KA LANG? na apat na beses na lalabas sa loob ng isang lingo – tuwing Linggo, Martes, Huwebes at Sabado.
Actually, nababasa na rin naman si Ms. Korina sa Allure Section ng Philippine Star, sister publication of NGAYON pero nai-excite din siyang magsulat sa Tagalog paper tulad ng NGAYON, ang nangungunang tabloid sa bansa.
Bukod kasi sa mataas na circulation ng NGAYON, malaki rin ang share ng readership sa internet ng NGAYON.
For the record, umaabot sa 6 million (6,175,732 to be exact for the month of March alone) internet readers ang bumibisita sa website ng NGAYON sa Asian Countries.