Dennis Trillo, may ginawang sex video?
April 27, 2007 | 12:00am
Tama ang desisyon ni Cesar Montano na huwag nang pansinin kung ano man ang nasabi ng aktor na si Richard Gomez tungkol sa kanya. Kasi may lumabas nga raw sa isang tabloid na kino-quote si Cesar na binabanatan si Goma, na hindi naman pala niya sinasabi.
Na-quote si Cesar na nagsasabing ayusin daw muna ni Goma ang kanyang tax evasion case. Alam naman natin na hindi kay Cesar nagsimula yan dahil maliwanag namang sinabi yan sa tv ni Sec. Raul Gonzalez at humihiling pa ngang i-disqualify si Goma dahil doon. Hindi rin namin maintindihan kung bakit si Cesar na ang kino-quote na nagsabi noon.
Halatang may mga gumagawa ng intriga at siguro naiisip nilang magandang pag-awayin ang mga artista.
Sa totoo lang, bakit naman kailangang mag away-away ang mga artista dahil lamang sa eleksiyong iyan, eh pagkatapos niyan babalik pa rin naman sila sa showbusiness at tiyak na magkakasama-sama sila ulit.
Kagaya rin naman iyan ng reaksiyon ni Vilma Santos, na masasabi naming isang over reaction sa sinabi ni Goma. Ang tinira ni Goma ay yong batas na nagtatakda ng EVAT, hindi naman si Senador Ralph Recto na gumawa ng EVAT. Hindi naman niya sinabing si Recto ang nagpapahirap sa bayan, ang sinasabi niya nahirapan ang lahat lalo na ang industriya ng pelikula dahil sa EVAT. Bakit naman ganoon ang kanilang reaksiyon?
Ipagpalagay na nating si Recto ang nag-sponsor ng EVAT, hindi ba ang pagsasabatas naman noon ay aksiyon ng buong Kongreso?
Ang daming nagtatanong kung si Dennis Trillo ba yung nasa kumakalat na sex video. Nakita ko ang video at feeling ko hindi si Dennis yon.
Actually kung titingnan mong mabuti, mukhang foreigner yong nasa video, at mukhang masyadong bata pa. Hindi si Dennis iyon. Pero bakit nga ba ang hilig ng mga Pinoy sa mga sex videos ng mga look alike ng mga artista, at bakit naman pinapatulan yan ng telebisyon?
Isang kilalang fashion designer ang nagkwento sa amin, nakilala raw niya ang isang bading na matinee idol noong hindi pa ito artista. Inamin niya, noon pa man palagay niya gay na ang matinee idol, na naging boyfriend niya. Noong araw pa ay gold digger na ito.
Natapos daw ang lahat nang mahuli niya ang bading na matinee idol na pinakikialaman pati na iyong tunay niyang boyfriend.
Na-quote si Cesar na nagsasabing ayusin daw muna ni Goma ang kanyang tax evasion case. Alam naman natin na hindi kay Cesar nagsimula yan dahil maliwanag namang sinabi yan sa tv ni Sec. Raul Gonzalez at humihiling pa ngang i-disqualify si Goma dahil doon. Hindi rin namin maintindihan kung bakit si Cesar na ang kino-quote na nagsabi noon.
Halatang may mga gumagawa ng intriga at siguro naiisip nilang magandang pag-awayin ang mga artista.
Sa totoo lang, bakit naman kailangang mag away-away ang mga artista dahil lamang sa eleksiyong iyan, eh pagkatapos niyan babalik pa rin naman sila sa showbusiness at tiyak na magkakasama-sama sila ulit.
Kagaya rin naman iyan ng reaksiyon ni Vilma Santos, na masasabi naming isang over reaction sa sinabi ni Goma. Ang tinira ni Goma ay yong batas na nagtatakda ng EVAT, hindi naman si Senador Ralph Recto na gumawa ng EVAT. Hindi naman niya sinabing si Recto ang nagpapahirap sa bayan, ang sinasabi niya nahirapan ang lahat lalo na ang industriya ng pelikula dahil sa EVAT. Bakit naman ganoon ang kanilang reaksiyon?
Ipagpalagay na nating si Recto ang nag-sponsor ng EVAT, hindi ba ang pagsasabatas naman noon ay aksiyon ng buong Kongreso?
Actually kung titingnan mong mabuti, mukhang foreigner yong nasa video, at mukhang masyadong bata pa. Hindi si Dennis iyon. Pero bakit nga ba ang hilig ng mga Pinoy sa mga sex videos ng mga look alike ng mga artista, at bakit naman pinapatulan yan ng telebisyon?
Natapos daw ang lahat nang mahuli niya ang bading na matinee idol na pinakikialaman pati na iyong tunay niyang boyfriend.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended