Kita ni Franzen, ipina-5/6 ng misis niya?
April 26, 2007 | 12:00am
Kumakandidatong konsehal sa isang bayan ng isang hindi naman kalayuang probinsiya sa Maynila ang biological father ng isang batang aktor.
Huling nakita ng ama ang kanyang anak nung kapapanganak pa lang nito, mula noon ay hindi na sila nagkita, hanggang sa maging produkto na nga ng isang reality show ang kanyang anak.
Walang planong lu mutang ang lalaki para angkinin ang pagkaama sa batang aktor, mahirap na raw, baka pag-isipan pa siya ng hindi maganda ng publiko.
Baka raw kasi sabihin pa ng iba na naghahabol siya dahil artista na ang kanyang anak, ayaw niyang mabigyang-kulay ang pagsasabi niya ng katotohanan, kaya nananahimik lang siya.
Ang young actor ay mukhang napag-iwanan na sa laban ng kanyang mga kakontemporaryo, wala itong gaanong ingay ngayon, totoo ang kasabihan na talento pa rin ang magpapahaba sa buhay ng isang artista sa harap ng mga kamera.
Ang walang talento ay nawawala rin agad kahit pa gaano ito kaguwapo, ang tanging katangian kasing meron ang young actor na ito ay ang matamis nitong ngiti.
Hindi inulan (as in, rain) ng suwerte ang batang aktor dahil sa kakapusan nito ng talento sa pagganap.
Tatanga-tanga at makapal ang mukha ang mga ginamit na salita ng paglalarawan ni Angelika dela Cruz kay dating Mayor Rey Malonzo, nag-ugat ang galit ng aktres sa pulitiko nang ipinamalita nitong naging magkarelasyon sila ni Mayor Echiverri, samantalang ni hindi nga niya kilala ang nasabing pulitiko.
Magkalaban sa pulitika sina Malonzo at Echiverri, naghahanapan ng bahong maibabato sa isa’t isa ang mga pulitikong ito, malas lang ni Angelika dela Cruz dahil siya ang natiyempuhang kaladkarin sa ganitong isyu ni Malonzo.
Sa halip na tumutok sa ganitong klase ng kuwento ang dalawang pulitiko ay mas magandang pagtuunan na lang nila ng pansin ang literal na basurang nagkalat sa kanilang lungsod.
Marumi ang Caloocan, kahit saan ay nagkalat ang basura dun, kaya sa halip na ang basurang kuwento ng pagkakaroon ng relasyon ni Angelika kay Mayor Echiverri ang kanilang pagtuunan ng pansin ay solusyunan muna nila ang mga basurang nakakalat at pinagpipistahan ng mga langaw sa kanilang lungsod.
Ayon sa aming source ay umalis na si Love Joy, ang misis ni Franzen Fajardo, sa kanilang inuupahang bahay sa Kamuning. Sabi raw ni Joy ay hindi na niya kayang bayaran ang upa ng apartment dahil hindi naman nagsusustento sa kanilang mag-ina si Franzen.
Sa petisyong inihain ni Franzen sa korte kaugnay ng kasong legal separation ay sinabi nito na nawawala ang kanyang kinita mula nang lumabas siya sa Pinoy Big Brother house, kung walang-walang pera ngayon si Joy ay saan at kanino napunta ang kinita ng komedyante?
Balita nami’y masyadong mapagmahal sa kanyang pamilya si Joy, nakakuha diumano ng ebidensya ang komedyante na ang pinaghirapan nitong malaking halaga ay ibinigay-ipinautang ni Joy sa kanyang mga kapamilya, pero si Franzen ay masyado niyang hinigpitan sa pag-aabot ng tulong sa pamilya nito.
May nakuha ring listahan si Franzen ng mga pautang ni Love Joy sa Abra, balita nami’y 5-6 pa ang pinasok niyang negosyo, kaya nung hinahanap na ni Franzen ang kanilang pera ay walang maipakita si Love Joy.
Wala kaming alam sa mga pasikut-sikot ng kanilang pananalapi, ang alam lang namin ay simangutera si Love Joy, palaging nakasimangot ang nakahiwalay na misis ni Franzen na para bang laging nakaamoy ng kung anong mabaho sa kanyang paligid.
Huling nakita ng ama ang kanyang anak nung kapapanganak pa lang nito, mula noon ay hindi na sila nagkita, hanggang sa maging produkto na nga ng isang reality show ang kanyang anak.
Walang planong lu mutang ang lalaki para angkinin ang pagkaama sa batang aktor, mahirap na raw, baka pag-isipan pa siya ng hindi maganda ng publiko.
Baka raw kasi sabihin pa ng iba na naghahabol siya dahil artista na ang kanyang anak, ayaw niyang mabigyang-kulay ang pagsasabi niya ng katotohanan, kaya nananahimik lang siya.
Ang young actor ay mukhang napag-iwanan na sa laban ng kanyang mga kakontemporaryo, wala itong gaanong ingay ngayon, totoo ang kasabihan na talento pa rin ang magpapahaba sa buhay ng isang artista sa harap ng mga kamera.
Ang walang talento ay nawawala rin agad kahit pa gaano ito kaguwapo, ang tanging katangian kasing meron ang young actor na ito ay ang matamis nitong ngiti.
Hindi inulan (as in, rain) ng suwerte ang batang aktor dahil sa kakapusan nito ng talento sa pagganap.
Magkalaban sa pulitika sina Malonzo at Echiverri, naghahanapan ng bahong maibabato sa isa’t isa ang mga pulitikong ito, malas lang ni Angelika dela Cruz dahil siya ang natiyempuhang kaladkarin sa ganitong isyu ni Malonzo.
Sa halip na tumutok sa ganitong klase ng kuwento ang dalawang pulitiko ay mas magandang pagtuunan na lang nila ng pansin ang literal na basurang nagkalat sa kanilang lungsod.
Marumi ang Caloocan, kahit saan ay nagkalat ang basura dun, kaya sa halip na ang basurang kuwento ng pagkakaroon ng relasyon ni Angelika kay Mayor Echiverri ang kanilang pagtuunan ng pansin ay solusyunan muna nila ang mga basurang nakakalat at pinagpipistahan ng mga langaw sa kanilang lungsod.
Sa petisyong inihain ni Franzen sa korte kaugnay ng kasong legal separation ay sinabi nito na nawawala ang kanyang kinita mula nang lumabas siya sa Pinoy Big Brother house, kung walang-walang pera ngayon si Joy ay saan at kanino napunta ang kinita ng komedyante?
Balita nami’y masyadong mapagmahal sa kanyang pamilya si Joy, nakakuha diumano ng ebidensya ang komedyante na ang pinaghirapan nitong malaking halaga ay ibinigay-ipinautang ni Joy sa kanyang mga kapamilya, pero si Franzen ay masyado niyang hinigpitan sa pag-aabot ng tulong sa pamilya nito.
May nakuha ring listahan si Franzen ng mga pautang ni Love Joy sa Abra, balita nami’y 5-6 pa ang pinasok niyang negosyo, kaya nung hinahanap na ni Franzen ang kanilang pera ay walang maipakita si Love Joy.
Wala kaming alam sa mga pasikut-sikot ng kanilang pananalapi, ang alam lang namin ay simangutera si Love Joy, palaging nakasimangot ang nakahiwalay na misis ni Franzen na para bang laging nakaamoy ng kung anong mabaho sa kanyang paligid.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am