Kalaban ang tinitira, hindi si Angelika!
April 26, 2007 | 12:00am
Gustung-gusto nang sagutin ng tumatakbong mayor ng Caloocan City na si Rey Malonzo ang isyu sa kanila ni Angelika dela Cruz pero, pinigilan siya ng kanyang campaign manager na si Cris Decena.
"Saka na siguro kapag tapos na ang eleksyon. Ngayon kasi ay lalabas na sinasamantala niya ang pagkakataon para magamit niya sa kampanya at matatawag pa siyang ungentlemanly kapag sinagot niya ang mga tanong," paliwanag ni Ms. Decena na nagsabi rin na ang punto naman ni Malonzo ay ang pondo ng lungsod na baka raw ginagamit nang nakaupong namumuno ng lungsod sa kanyang mga ‘extra-curricular’ activities.
"Sinabi rin naman ng aktres na hindi siya yung nakitang kasama ng pulitiko kundi isang kapangalan lamang niya," dagdag pa ng ginang na kinailangang iwan pansamantala ang kanyang negosyo para tulungan ang kanyang business partner.
Alam ko walang kokontra kapag sinabi ko na si Makisig Morales ang pinaka-matagumpay na produkto ng Little Big Star. Bukod sa pagiging artist ng Star Records, naging matagumpay din siyang artista sa TV, bilang Super Inggo at ngayon ay si Moy siya sa Pedro Penduko at ang mga Engkantao, ang pinakabatang myembro ng cast ay gumaganap ng role ng isang may super power (nakakapaglabas siya ng bolang apoy).
Ang Super Inggo na hindi lamang nagkaro’n ng Book 2 kundi maisasalin pa rin sa pelikula, gagawing anime at mababasa na sa mga comics.
Pero, ang maituturing na pinaka-malaking achievement ni Makisig, mas malaki pa sa pagiging Super Inggo niya, ito ay ang pagiging co-host ni Sarah Gernomino sa programa na pinanggalingan niya, ang Little Big Star.
Lilima na lamang ang natitira sa pinaka-malaking labanan sa pagkanta para sa mga bata, isa sa kanila ang kokoronahan sa Mayo 12:
Si Aria Clemente, hindi na bagito sa singing contests. Kinatawan siya ng Pilipinas, sila ni Sam Concepcion sa Korea’s International Songfest na kung saan nakuha nila ang Best Performance Award, isang group award.
Umaarte rin si Aria at nakalabas na sa mga pelikulang Mano Po 5 bilang batang Angel Locsin. Sa July magiging kinatawan siya ng bansa sa World Championships of the Performing Arts.
Sa edad na 10, si Joshua Cadelina ang pinakabata sa lima. Pangarap niyang sumikat bilang mangaawit at maging artista rin sa pelikula.
Produkto rin ng maraming singing contests si Kristine Sanchez. Sa probinsya pa lamang nila sa Pampanga ay nananalo na siya simula pa nung maliit siya. Madalas ang prize money niya ay nagagamit sa mahahalagang pangangailangan sa kanyang buhay. Tulad nang maoperahan ang kanyang ama. Pangarap niyang makabili ng sarili nilang matitirhan lalo’t nakatakdang mailit ng gobyerno ang bahay nila.
Araneta Coli seum naman ang puntirya ni Ronald Jaimeer na makantahan. Kaya walang humpay ang pagpa-praktis niya.
Tatlong taon pa lamang ay kumakanta na si Trina Alcantara. Bukod sa pagkanta, sumasayaw din siya, umaarte at tumutugtog ng flute. Sa kabila ng kaabalahan niya sa pagkanta, nangungunang mag-aaral pa rin siya sa iskwelahan niya sa Batangas.
[email protected]
"Saka na siguro kapag tapos na ang eleksyon. Ngayon kasi ay lalabas na sinasamantala niya ang pagkakataon para magamit niya sa kampanya at matatawag pa siyang ungentlemanly kapag sinagot niya ang mga tanong," paliwanag ni Ms. Decena na nagsabi rin na ang punto naman ni Malonzo ay ang pondo ng lungsod na baka raw ginagamit nang nakaupong namumuno ng lungsod sa kanyang mga ‘extra-curricular’ activities.
"Sinabi rin naman ng aktres na hindi siya yung nakitang kasama ng pulitiko kundi isang kapangalan lamang niya," dagdag pa ng ginang na kinailangang iwan pansamantala ang kanyang negosyo para tulungan ang kanyang business partner.
Ang Super Inggo na hindi lamang nagkaro’n ng Book 2 kundi maisasalin pa rin sa pelikula, gagawing anime at mababasa na sa mga comics.
Pero, ang maituturing na pinaka-malaking achievement ni Makisig, mas malaki pa sa pagiging Super Inggo niya, ito ay ang pagiging co-host ni Sarah Gernomino sa programa na pinanggalingan niya, ang Little Big Star.
Lilima na lamang ang natitira sa pinaka-malaking labanan sa pagkanta para sa mga bata, isa sa kanila ang kokoronahan sa Mayo 12:
Si Aria Clemente, hindi na bagito sa singing contests. Kinatawan siya ng Pilipinas, sila ni Sam Concepcion sa Korea’s International Songfest na kung saan nakuha nila ang Best Performance Award, isang group award.
Umaarte rin si Aria at nakalabas na sa mga pelikulang Mano Po 5 bilang batang Angel Locsin. Sa July magiging kinatawan siya ng bansa sa World Championships of the Performing Arts.
Sa edad na 10, si Joshua Cadelina ang pinakabata sa lima. Pangarap niyang sumikat bilang mangaawit at maging artista rin sa pelikula.
Produkto rin ng maraming singing contests si Kristine Sanchez. Sa probinsya pa lamang nila sa Pampanga ay nananalo na siya simula pa nung maliit siya. Madalas ang prize money niya ay nagagamit sa mahahalagang pangangailangan sa kanyang buhay. Tulad nang maoperahan ang kanyang ama. Pangarap niyang makabili ng sarili nilang matitirhan lalo’t nakatakdang mailit ng gobyerno ang bahay nila.
Araneta Coli seum naman ang puntirya ni Ronald Jaimeer na makantahan. Kaya walang humpay ang pagpa-praktis niya.
Tatlong taon pa lamang ay kumakanta na si Trina Alcantara. Bukod sa pagkanta, sumasayaw din siya, umaarte at tumutugtog ng flute. Sa kabila ng kaabalahan niya sa pagkanta, nangungunang mag-aaral pa rin siya sa iskwelahan niya sa Batangas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended