Matalo-manalo: Cesar, co-prod si Singson sa mga gagawing pelikula

Naging matagumpay ang kauna-unahang entertainment media presscon ng kasalukuyang gobernador ng Vigan, Ilocos Sur at tumatakbong senador sa ilalim ng Team Unity. Kapartido niya ang award-winning actor-director na si Cesar Montano na siyang gumanap sa papel ni Gov. Luis ‘Chavit’ Singson nang isapelikula ang very colorful life ni Gov. Singson ng Golden Lions Films.

Ang presscon ay ginanap sa Plaza Ibarra along Timog Avenue sa Quezon City nung nakaraang Huwebes (April 19) ng gabi na nakasabay ng grand rally ng Team Unity sa Gen. Santos City kaya hindi nakadalo si Gov. Singson. Nakasabay pa ng kanyang presscon ang ika-70 kaarawan ng kanyang dating matalik na kaibigan, si dating Pangulong Joseph Estrada kaya hindi maiwasan na muling malagyan ng kulay ang pagkakasabay ng presscon ni Gov. Singson at kaarawan ni dating Pangulong Erap.

"Ito’y walang halong kaplastikan, I wish him (Erap) the best and the best of health. Kung anuÿman ang nangyari sa aming pagkakaibigan, naniniwala ako na posible sa amin ang rekonsiÿÿÿlasyon. Ang sa akin lang, gusto ko lang na tapusin ang kaso para magkaÿroon ng finality at pare-pareho kaming magkaÿÿroon ng katahimikan. Maÿ-lay ninyo, baka ako pa ang maging daan para makalaya siya (Erap)."

Lingid sa kaalaman ng marami, likas na kay Gov. Singson ang pagiging matulungin. Lahat ng lumalapit sa kanya lalo na sa kanyang lugar ay hindi niya pinagkakaitan. Maging ang kanyang tahanan sa Balauarte ay bukas sa lahat maging sa mga turista.

Sa lahat ng mga kandidato sa pagka-senador, si Chavit lang yata ang may plataporma ng provincial empowerment kasama na rin dito ang modernization ng agricultural technology, farmers welfare, justice and peace and order, rural economic upliftment at agricultural self-sufficiency.

Samantala, kung hindi nakadalo ang kanyang kumpareng si Cesar Montano sa presscon dahil ito’y nasa grand rally sa Gen. Santos City, duÿmaÿting naman ang maÿgandang maybahay ni Cesar na si Sunshine Cruz.

Kung si Sunshine ang secret weapon ni Cesar, hindi rin magpapahuli ang magandang maybasWhay ni Gov. Singson na si ­Che na siyang aligaga sa pagharap sa mga press at mga kaibigang celebrities na dumating nung Huwebes ng gabi. Dumating din ang panganay nina Gov. at Che na si Chelsea.

Ilan sa mga showbiz personalities na nagpakita ng suporta kay Gov. Singson nung gabing ‘yon ay sina Annabelle Rama, ang dalawang ex-beauty queens na sina Ma. Isabel Lopez, Evangeline Pascual; Jaclyn Jose, Melissa Mendez, Nicole Anderson, Direk Buboy Tan, Direk Cloyd Robinson, Melissa Ave__lino at iba pa. Hahabol pa sana ang mag-amang Eddie Gutierrez at Ruffa Gutierrezn pero pareho silang naipit sa taping ga_nundin si Ricardo Cepe da. Nagpaunlak din ng awitin ang ‘theme song diva’ na si Faith Cuneta.

Ipinangako ni Gov. Singson na manalo’t maatalo siya sa darating na halalan ay ipagpapatuloy ni/ya ang pagpu-produce ng pelikula sa ilalim ng Northern Star Productions at may plano rin uma_no sila ng kanyang kumpareng Cesar na mag-co-produce ng mga pelikula. Isa sa gustung-gustong pelikula ni Gov. Singson na kanyang pinanood ay ang aJose Rizal na pinagbidahan mismo ni Cesar.
* * *
Kakaiba ang ginawang press launch ng GMA-7 ng kanilang pinakabagong sinenovela, ang _Sinasamba Kita dahil sa halip na gawin la_mang ito sa studio ng GMA o di kaya sa isang restoran ay ginanap ito sa pinakabagong Cinema 2 ng SM North EDSA kung saan ipinalabas ang unang epis_ode ng programa.

Kung lumutang nang husto sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz sa sinenobelang Bakekang'', binigyan naman sila ng magkahiwalay na project ng GMA. Si She ryl sa Sinasamba Kita na magsisimula nang mapanood sa Abril 30 at ang Impostora naman kay Sunshine na magsisi_mula naman sa susunod na buwan kapalit ng Super Twins.

Kung ang orihinal na pelikula ay tinampukan nina Vilma Santos, Lor_na Tolentino, Christopher de Leon at Phillip Salvador

at dinirek ng award-winning actor-director na si Eddie Garcia3, ang TV drama series naman ay pinagbibidahan nina Sheryl Cruz, Valerie Concepcion, Wendell Ramos at Carlo Aquino at pinamamahalaan naman ng isa pang award-winning director na si kaiJoel Lamangan. Kasama sa napakalaking cast sina Gina Alajar, Mark Gil, Jackielou Blanoco, Bing Loyzaga, Allan Paule, Ricardo Cepeda, Raquel Villavicencio at Tony Mabesa.

Ang theme song na unang kinanta at pinasikat ni Sharon Cuneta para sa pelikula ay inawit naman ni Ogie Alcasid para sa telebisyon.

Show comments