Hindi rin niya ine-endorso ang asawa ni Vilma Santos at maging ang kandidatura ng mayor ng Lipa.
Simple lang ang sinabi ni Susan. Sinabi niyang nakasama niya si Sharon sa isang pelikula pero ni hindi nga niya masasabing malalim ang kanilang pagiging magkaibigan. Sa kaso ni Vilma, sinabi niyang ni hindi niya nakasama ang Star for All Seasons sa isa man lamang pelikula. May pasaring pa ang tunay na reyna ng pelikula, na may mga tao raw na matatawag niyang mga "fair weather friends", o iyong mga kaibigan lang sa magagandang panahon, at idinugtong pa niyang "Alam naman nila kung sino sila."
Hindi man sabihin nang diretsahan ni Susan, at kahit na nga sabihin pang nagbigay na ng statement ang kanyang anak na si Mary Grace Poe na ayaw na nilang palakihin ang issue dahil kaibigan ng pamilya nila si Sharon, maliwanag na para sa biyuda ni FPJ ay masama pa rin ang loob niya sa asawa ni Sharon. Matindi nga lang ang dating dahil ang statement ng biyuda ni FPJ ay dumating sa panahong malapit ang eleksyon.
Doon sa kaso nina Vilma, alam naman natin na hindi sumuporta kay FPJ si Vilma at ganundin ang kanyang asawa noong nakaraang eleksyon dahil sila ay kasali sa partido ng Administrasyon. Ang ikinampanya nila nang husto ay ang Pangulong Gloria, kaya tama naman siguro na sa panahong ito ay hindi sila dapat umasa ng pag-eendorso ng biyuda ni FPJ. Bukod pa nga roon sa damdamin ng maraming taga-idustriya na bumagsak iyon nang todo dahil sa EVAT na ginawa ng asawa ni Vilma.
Matindi ang epekto ng statement ng biyuda ni FPJ lalo na sa panahong ito na malapit na ang eleksyon, pero ano magagawa ninyo hindi naman kasi plastic ‘yung tao at sinasabi lang niya kung ano ang nasa loob niya talaga.
Nilinaw ni Sunshine, nagsimula silang magpagawa ng bahay noon pang November, at may kinikita silang mag-asawa para maipagpagawa noon. Natigil nga raw ang pagpapagawa ng bahay dahil ang pera nila ay pinili niyang itulong muna sa gastos ni Cesar Montano sa eleksyon. Kung ang sinasabi naman daw ay ‘yung tulong na ibinigay ng partido kay Cesar, aba eh kulang pang pampagawa iyon ng mga posters.
Kaya inaamin ni Sunshine na masama talaga ang loob niya sa mga nagtsismis.