Marami ang pumuri kay Geneva sa pagkakakanta niya ng Pambansang Awit dahil sabi nila, maganda raw, hindi kagaya noong kumanta noong pambansang awit ng Estados Unidos na pumiyok pa. Pero sabi nga namin, huwag na tayong mamintas pa ng iba dahil ng pinakanta rin minsan ni Pacquiao ng pambansang awit, iyong si Jennifer Bautista, nagkalat din naman, pumiyok.
Pero may pinuna ang mga taga-National His torical Institute sa ginawang pagkanta ni Geneva. Sinabi nilang ang Pambansang Awit na nilikha ni Julian Felipe ay isang marcha, at dapat sanang kantahin sa ganoong himig, hindi bilang isang pop o ballad. Hindi naman natin maikakaila na talagang ini-adapt ni Geneva ang pambansang awit sa kanyang singing style. Iyon pala nagpaalala na ang NHI sa GAB na kung puwede iyong mga pakakantahin ng national anthem ay pagsabihang hindi dapat baguhin ang istilo noon dahil may umiral na batas na nagsasabing ang sino mang babago, o gagawa ng mga pagpapalit sa pag-awit ng pambansang awit ay maaaring pagmultahin ng limang libo, o makulong pa ng isang taon, depende sa desisyon ng hukuman.
May mga nagsasabing ang isang singer ay mayroong artistic license upang baguhin ng kaunti ang isang awitin para mas bumagay sa kanyang istilo, pero hindi ginagawa iyan kung ang inaawit mo ay ang pambansang awit. Wala naman sigurong maghahabla kay Geneva dahil sa pagkanta niya ng national anthem, pero may batas pala kung saan maaaring managot ang isang singer kung gagawin ang ganoon.
Sinasabi pa ng mga taga-NHI, ang artista na kumanta lamang daw ng maayos ng national anthem base sa kanilang natatandaan ay si Lea Salonga.