^

PSN Showbiz

Nagtagumpay ang "mabahong Bombay"

- Veronica R. Samio -
Wala ni kaunti mang bahid ng pagiging mayabang o pasaway ang 21 year old PBB evictee na si Kian (Kian Kazemi) nang unang humarap ng press ilang araw matapos siyang mapalayas sa Bahay ni Kuya dahil ayaw daw sa kanya ng mga kasamahan niya dahil nga sa mga nabanggit na pag-uugali.

Di kataka-taka kung ma-turn off ang mga housemates kay Kian dahil straightforward siya, walang paliguy-ligoy kung sumagot at prangka. What they failed to see ay ang kanyang sense of humor, ito marahil ang nag-iisang PBB housemate na pinakamatagal na kinausap ng press. Enjoy sila sa kanya dahil sa bukod sa matalinong sumagot ay talaga namang napaka-entertaining pa. Huwag nang idagdag pa ang pangyayaring may isa o dalawa akong kasamahan sa hanapbuhay na talaga namang nagka-crush sa kanya dahil bukod sa guwapo siya ay may height pa. Ang ganda pa ng pangangatawan na aniya ay dulot ng regular niyang pagbisita sa gym bago siya nakulong sa PBB house.

FilPersian si Kian, tapos ng Hotel & Restaurang Management sa La Salle, restaurant manager/owner at part-time model. Mahilig siya sa wrestling, mountain climbing, basketball, acting, dancing, hosting, writing at photography. "I am a fast learner," pagmamalaki niya.

Isa sa itinuturing niyang failure niya ay ang pagkaka-kick out sa kanya sa iskwela dahilan sa kanyang hindi magandang conduct at magulo raw siya. Inamin niyang dati siyang gumagamit ng marijuana na bunga ng depression na dulot ng pagkakaro’n niya ng alopecia areata, isang sakit na dulot ng stress (nalulugas ang buhok at nagkakasugat ang anit) sa mga taong sumasailalim sa isang matinding tension na sa kaso niya ay dulot ng pagkalugi ng negosyo ng mga magulang niya, pagkakasakit ng kanyang ina, ang pagkawala ng bahay nila at paglipat sa isang maliit na bahay at sa isang lugar na magulo at depressed. Nakaranas din siya ng pagbu-bully ng mga kaklase at kapitbahay na kung tawagin siya ay "mabahong Bombay".

Nakalipas na ito, nagawa na ni Kian na maiangat ang kanyang sarili at maging isang matagumpay na entrepreneur na kumikita rin bilang part-time model.

Inaamin niya na naging playboy siya at mahilig siya sa mga babaeng mas may edad sa kanya pero, sa ngayon on the look out siya para sa kanyang true love.
* * *
[email protected]

KIAN

KIAN KAZEMI

LA SALLE

NIYA

RESTAURANG MANAGEMENT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with