Sa bagay na ito nagkakaro’n ng problema ang AVP at Head ng GMAAC na si Ms. Ida R. Henares. Bagaman at ang mga inaalagaan nila sa GMAAC ang binibigyan ng prioridad ng GMA pagdating sa mga proyekto, tulad ng pelikula, telebisyon, recording at commercial, wala na siyang magawa kundi sumunod sa kung ano ang hinihingi kapag ratings na ang pinag-uusapan.
"Gustuhin ko man silang ipasok na lahat, pero may mga artista na hindi masyadong pinanonood at sinusuportahan ng manonood at meron namang napakaraming following. Pagdating na rito, sumusunod na lamang kami sa kung ano ang makapagbibigay ng ratings sa mga programa ng network at kahit na hindi taga-GMAAC ang gagamitin," ani Ms. Henares.
Sa mga GMAAC members, ilan sa talaga namang maituturing na tagumpay sina Iza Calzado, na nagpapamalas ng versatility sa kanyang maraming pagganap. Isa ito sa pinakamaaasahang artist ng GMA.
Magaling ding aktres sina Angel Locsin at Jennylyn Mercado. Maituturing na action fantasy heroine si Angel na isa na ring producer ngayon ng pelikula at si Jennylyn ay ang Ultimate Survivor victim who turned survivor.
Si Mark Herras, bukod sa may sarili nang fantaserye ngayon ay nakapagprodyus na rin ng platinum and gold records.
Wala na ring pwedeng tumawad sa mga naabot at inaabot pa rin nina Iwa Moto, Yasmien Kurdi, Rhian Ramos, Katrina Halili na No., 1 sa Pilipinas at No. 2 sa buong mundo sa pinaka-seksing babae.
Marami ring hit makers ang GMAAC, si Jonalyn Viray, Yasmien Kurdi who bagged the New Artist Award sa MYX Music Awards, Most Promising Female Singer Award sa Guillermo Mendoza Awards at si Mark Herras.
Sa kabila ng mga tagumpay, nakagawa na ang GMAAC ng beneficial alliances with local and International entities, tulad ng Olympics for the World Championships of Performing Arts. Nag-qualify dito sina Jonalyn at Brenan Espartinez, John Joven, Dex de Rosa.
Actively involved din ang GMAAC sa mga charitable activities.
Ang ilan sa mga artists ng GMAAC ay sina Aicelle Santos, Ailyn Luna, Aryana, Brad Turvey, Chuck Allie, Chynna Ortaleza, CJ Muere, Dion Ignacio, Gian Carlos, Jackie Rice, Jana Roxas, Jen Rosendahl, LJ Reyes, Marcus Lagdameo, Marky Cielo, Mike Tan, Neil Ferreira, Pekto, Pinoy Pop Superstar finalists, Regine Tolentino, Felix and Dominic Roco, Ryza Cenon, Sheena Halili, SOP Boys, StarStruck Girls, & Boys, Sugar Pop, Valerie Concepcion, Mang Mike, Belly Florie at maraming comedians.