Isa itong muscular disease na unti-unting nagpapahina kay Trixie hanggang magdala sa kanya sa kamatayan.
Masyadong na-touched ang ina ni Trixie dahil napasaya ni Angel ang kanyang anak na avid fan nito.
"Binuhat ni Angel ang anak ko mula sa first floor hanggang third floor. Ganun pala ito kalakas. Tapos niyakap niya at hinalikan. Na-starstruck ang anak ko at di makapagsalita. Hindi alam ni Trixie na may taning na ang buhay niya at gusto ko siyang mapa saya kaya dinala ko sa shooting ng paborito niyang aktres.
"Lagi niyang pinupuntahan si Trixie tuwing taping break para kumustahin ang lagay nito na nakaupo lang at nahihiyang mahiga. Ang bait-bait ni Angel at asikasung-asikaso kami ng anak ko. Wala na siyang tatay dahil namatay ang mister ko five years ago. Hindi na rin ako nagtatrabaho muna para tingnan ang anak ko," anang ina ng may sakit na bata.
"Sana huwag na lang siyang pumasok sa pulitika. Binigyan siya ng Diyos ng galing sa boxing kaya pagbutihan na lang niya ito. Nagbigay siya ng malaking karangalan sa bansa kaya tama na ‘to. Tatlong beses yata sa isang taon kung lumaban si Manny. Siyempre pag naging pulitiko si Manny makakaapekto rin ito sa kanyang laban dahil may tension kapag nanalo at umupong congressman," sey ng actress.