Angel, binisita ng isang batang malapit nang mamatay!
April 19, 2007 | 12:00am
Nadatnan namin si Direk Gina Alajar kung saan kinukunan ang isang eksena ni Angel Locsin sa ipinoprodyus niyang movie, ang Angel. May espesyal na bisita ang aktres, si Trixie Lou Reyes na ayon sa doktor na tumitingin dito ay isang taon na lang ang itatagal ng buhay. Last year na-detect na may muscular dystrophy scoliosis ang bata na 11 years old lang.
Isa itong muscular disease na unti-unting nagpapahina kay Trixie hanggang magdala sa kanya sa kamatayan.
Masyadong na-touched ang ina ni Trixie dahil napasaya ni Angel ang kanyang anak na avid fan nito.
"Binuhat ni Angel ang anak ko mula sa first floor hanggang third floor. Ganun pala ito kalakas. Tapos niyakap niya at hinalikan. Na-starstruck ang anak ko at di makapagsalita. Hindi alam ni Trixie na may taning na ang buhay niya at gusto ko siyang mapa saya kaya dinala ko sa shooting ng paborito niyang aktres.
"Lagi niyang pinupuntahan si Trixie tuwing taping break para kumustahin ang lagay nito na nakaupo lang at nahihiyang mahiga. Ang bait-bait ni Angel at asikasung-asikaso kami ng anak ko. Wala na siyang tatay dahil namatay ang mister ko five years ago. Hindi na rin ako nagtatrabaho muna para tingnan ang anak ko," anang ina ng may sakit na bata.
Hindi kaya may namumuong relasyon kina Glaiza de Castro at Marky Cielo?
Inamin kasi ni Marky na matindi ang paghanga niya sa kapareha sa Asian Treasures. Magkatambal uli sila sa bagong TV show na Boy Next Door. Pinaiinit ng Siete ang kanilang tambalan.
Nakakwentuhan ko si Pinky Amador na gumaganap na nanay ni Angel sa Angel of Mine. Very proud ito sa pagkakapanalo na naman ni Manny Pacquiao laban kay Jorge Solis.
"Sana huwag na lang siyang pumasok sa pulitika. Binigyan siya ng Diyos ng galing sa boxing kaya pagbutihan na lang niya ito. Nagbigay siya ng malaking karangalan sa bansa kaya tama na ‘to. Tatlong beses yata sa isang taon kung lumaban si Manny. Siyempre pag naging pulitiko si Manny makakaapekto rin ito sa kanyang laban dahil may tension kapag nanalo at umupong congressman," sey ng actress.
Isa itong muscular disease na unti-unting nagpapahina kay Trixie hanggang magdala sa kanya sa kamatayan.
Masyadong na-touched ang ina ni Trixie dahil napasaya ni Angel ang kanyang anak na avid fan nito.
"Binuhat ni Angel ang anak ko mula sa first floor hanggang third floor. Ganun pala ito kalakas. Tapos niyakap niya at hinalikan. Na-starstruck ang anak ko at di makapagsalita. Hindi alam ni Trixie na may taning na ang buhay niya at gusto ko siyang mapa saya kaya dinala ko sa shooting ng paborito niyang aktres.
"Lagi niyang pinupuntahan si Trixie tuwing taping break para kumustahin ang lagay nito na nakaupo lang at nahihiyang mahiga. Ang bait-bait ni Angel at asikasung-asikaso kami ng anak ko. Wala na siyang tatay dahil namatay ang mister ko five years ago. Hindi na rin ako nagtatrabaho muna para tingnan ang anak ko," anang ina ng may sakit na bata.
"Sana huwag na lang siyang pumasok sa pulitika. Binigyan siya ng Diyos ng galing sa boxing kaya pagbutihan na lang niya ito. Nagbigay siya ng malaking karangalan sa bansa kaya tama na ‘to. Tatlong beses yata sa isang taon kung lumaban si Manny. Siyempre pag naging pulitiko si Manny makakaapekto rin ito sa kanyang laban dahil may tension kapag nanalo at umupong congressman," sey ng actress.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended