Samantala, hindi pa umano sumasang-ayon si Mark sa naturang project dahil hindi ito kumportableng makatrabaho ang dalawa?
"My wife is my weapon. She inspires me a lot. We are never together sa kampanya. Although hindi superstar ang wife ko, I consider her as one," pagmamalaki pa ni Migz Zubiri sa kanyang ika-38th b-day na ginanap sa ballroom ng Imperial Palace Suites. Ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na isa sa mga strong supporters ni Migz ang nagbigay ng party sa batang kongresista.
"I’m so thankful and honored sa suportang ibinibigay ni Mother Lily sa akin. Mother Lily is known for her unwavering support sa mga taong kanyang pinaniniwalaan. Kapag ako’y sinuwerte sa senado, ang kapakanan ng mga taga-industriya (ng pelikulang Pilipino) ang isa sa mga pagtutuunan ko ng pansin," pangako ng senatoriable.
Samantala, pagkaraan ng ilang taon ay magkakaroon na rin ng baby ang mag-asawang Raymond at Mia Rocha-Lauchengco dahil kasalukuyang nagdadalangtao ang misis ni Raymond. Ito’y ipinaalam mismo ni Raymond sa unang gabi ng kanyang concert sa Theatrino nung March 29.