Jennylyn, Mark, Patrick, together sa Regal movie
April 18, 2007 | 12:00am
Balak ng Regal Films producer na si Mother Lily na muling pagsamahin sa remake ng pelikulang Tiyanak na unang pinagbidahan ni Janice de Belen sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Balak din ni Mother Lily na isama rito ang boyfriend ngayon ni Jennylyn na si Patrick Garcia.
Samantala, hindi pa umano sumasang-ayon si Mark sa naturang project dahil hindi ito kumportableng makatrabaho ang dalawa?
Malapit na ang eleksyon. Dahil dito, double time ang ginagawang sipag ng mag-asang Migz Zubiri at Audrey Tan-Zubiri na hiwalay sa pangangampanya.
"My wife is my weapon. She inspires me a lot. We are never together sa kampanya. Although hindi superstar ang wife ko, I consider her as one," pagmamalaki pa ni Migz Zubiri sa kanyang ika-38th b-day na ginanap sa ballroom ng Imperial Palace Suites. Ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na isa sa mga strong supporters ni Migz ang nagbigay ng party sa batang kongresista.
"I’m so thankful and honored sa suportang ibinibigay ni Mother Lily sa akin. Mother Lily is known for her unwavering support sa mga taong kanyang pinaniniwalaan. Kapag ako’y sinuwerte sa senado, ang kapakanan ng mga taga-industriya (ng pelikulang Pilipino) ang isa sa mga pagtutuunan ko ng pansin," pangako ng senatoriable.
Ngayong Huwebes (April 19) ng gabi magtatapos ang 5-week concert series ni Raymond Lauchengco sa Teatrino sa Greenhills, San Juan, 8:30NG. Kasama ni Raymond na magtatanghal ang kanyang 8-piece band sa pamumuno ng kanyang musical director na si Vic Oria.
Samantala, pagkaraan ng ilang taon ay magkakaroon na rin ng baby ang mag-asawang Raymond at Mia Rocha-Lauchengco dahil kasalukuyang nagdadalangtao ang misis ni Raymond. Ito’y ipinaalam mismo ni Raymond sa unang gabi ng kanyang concert sa Theatrino nung March 29.
<[email protected]>
Samantala, hindi pa umano sumasang-ayon si Mark sa naturang project dahil hindi ito kumportableng makatrabaho ang dalawa?
"My wife is my weapon. She inspires me a lot. We are never together sa kampanya. Although hindi superstar ang wife ko, I consider her as one," pagmamalaki pa ni Migz Zubiri sa kanyang ika-38th b-day na ginanap sa ballroom ng Imperial Palace Suites. Ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na isa sa mga strong supporters ni Migz ang nagbigay ng party sa batang kongresista.
"I’m so thankful and honored sa suportang ibinibigay ni Mother Lily sa akin. Mother Lily is known for her unwavering support sa mga taong kanyang pinaniniwalaan. Kapag ako’y sinuwerte sa senado, ang kapakanan ng mga taga-industriya (ng pelikulang Pilipino) ang isa sa mga pagtutuunan ko ng pansin," pangako ng senatoriable.
Samantala, pagkaraan ng ilang taon ay magkakaroon na rin ng baby ang mag-asawang Raymond at Mia Rocha-Lauchengco dahil kasalukuyang nagdadalangtao ang misis ni Raymond. Ito’y ipinaalam mismo ni Raymond sa unang gabi ng kanyang concert sa Theatrino nung March 29.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am