A total of 74 teams, across three divisions, are playing this year sa loob ng walong linggo. Participating are last year’s Nike Summer League champion UE under coach Dindo Pumaren; reigning UAAP champion UST under coach Pido Jarencio and NCAA champion San Beda University Juniors under coach Ato Badolato.
Also joining are Ateneo (Norman Black), De La Salle (Franz Pumaren), Emilio Aguinaldo College (Norman Isla) at FEU (Glenn Capacio).
Si TJ ang isa sa tatayong sportscaster ng event na magsisimula sa April 20.
Sinabi ni TJ na taliwas sa kagandahang asal ang magkomento siya sa isyu na kinasasangkutan ng kapatid na si Borgy Manotoc. Una ay hindi sila madalas magkita dahilan sa nakatira ito sa Makati at nasa QC naman siya.
"But I’ve always been there for Borgy," sabi niya.
Sinabi niyang malalapit silang magkakapatid at hindi dahilan ang pagkakaro’n nila ng magkaibang ina para hindi sila maging close na magkakapatid, kasama na ang pinaka-bunsong kapatid nila, ang walong taong gulang na si Gabriel sa bagong pamilya ng kanyang ama na si Tommy Manotoc na kung saan ay kinuha ang kanyang pangalan. Ang TJ ay Thomas Manotoc Jr., walang "h" ang pangalan ng kanyang ama pero siya ang junior nito.
Bukod sa kanyang pagiging reporter ng ABS CBN, (ANC at Patrol) particular sa sports, meron siyang isang programa sa TFC, ang Kuwentong Disyerto, Linggo, 10 NU, na kung saan ay co-host niya si Connie Sison.
Kakaunti ang nakakaalam na may pamilya na si TJ, kasal siya kay Rio Chipeco ng Laguna at meron silang anak na lalaki.
Hindi na nag-asawang muli ang kanyang ina, ang former Miss International na si Aurora Pijuan. Busy ito sa kasalukuyan sa Gawad Kalinga pero, patuloy pa rin ito sa kanyang real estate business.
May album siya na lalabas sa buwan ng Mayo. Pinamagatang "Every Now and Then", ikatlo niya ito sa Viva Records at binubuo ng mga OPM art foreign revival hits.