Unless magkakasalubong sa GMA Network, ‘di muna magkikita sa taping ang dalawa dahil pansamantalang pinatigil ang taping ng show at sa September na magre-resume. Hindi na rin ang LUV Pow ang ipapalit sa Magic Kamison kundi ang The Boys Next Door at ‘di na back-to-back ang dalawang bagong shows.
Sana lang, wala itong kinalaman sa nangyari kina Alex at Rhian dahil unfair ito sa ibang cast na walang mga regular show. Also, kailangan na sigurong makialam ng management para ‘di na grumabe pa ang gulo at matigil ang pakikialam ng walang kinalaman sa isyu.
Tanggi-to-death sina Jewel at Aljur na sila na at hirit pa ng huli, kung sila, sasamahan niya ang una sa pupuntahan nito. Mabuti na lang at ‘di nakita ni Paulo Avelino ang sweetness ng dalawa, sabagay, sila rin naman ni Jewel ang magkatambal sa next story ng Magic Kamison.
Ibinalita ni Rich na inalis na siya sa cast ng Impostora at ipinasok sa The Boys Next Door, pero, ‘di pa niya alam ang kanyang role. Si Prince ang wala pang regular show hanggang ngayon. Naaawa kami tuwing tinatanong namin at "wala pa" ang laging sagot.
One week siyang under observation, rason para twice ma-pack-up ang taping ng Ysabella. Kahapon ang first day shooting ng My Kuya’s Wedding and hopefully, nakapag-report ito.
"Babawi na lang ako sa friends ko and I will have a special gathering for them. I couldn’t ask for them. I only have to thank the Lord for a good life, a good family, and a pretty stable career," sabi nito.
Dagdag na trabaho kay Ryan ang bagong endorsements ng Adidas, Boardwalk at Fitrum at sabi pa ng manager nitong si Noel Ferrer, marami pang darating na trabaho.
Iwi-welcome rin si Alfred Vargas as the newest member ng cast at si Joyce Jimenez na guest for one month. Nag-enjoy ito sa taping dahil ‘di raw siya pinaglaruan nina Joey de Leon and company. Mas pinatindi ang paseksihan, kakulitan at kuwelang segments ng show.