Tsika mismo sa amin ng taga-production ay ayaw daw kasing gawin ni DJ Mo ang forbidden questions sa TV dahil exclusive lang daw iyon sa radio.
Dagdag pa na magkaiba raw kasi ang napapanood at napa pakinggan kaya baka raw lalong maintriga si Mo kaya niya tinanggihan.
Ang katwiran naman daw ng bossing, "Kaya nga siya kinuha sa Showbiz Central ay dahil sa forbidden questions."
Samantala, nahihirapan na naman daw buuin ang concept ng Showbiz Central dahil nalagasan sila ng host kaya’t nagpasabi raw na hindi pa handa ang programang papalit sa S-Files.
Nagulat kami dahil aminado ang bumubuo ng LSBA Ventures at GM Proponents na pinangungunahan nga ni Beth na talagang gustung-gusto nila ang binatang singer at maski raw magmukha silang engot noon sa kasusunod ay okey lang, basta’t mapanood nila ito dahil bilib sila sa talent nito.
Mabuti na lang at hindi naman daw natakot sa kanila si Jed na nu’ng una’y nagtataka na rin dahil everytime raw na may mall tour ito ay parating nagpapa-picture at nagpapa-autograph ang mga ito.
Hanggang sa naging friends na sila at napunta na sa pagpo-produce ng show ang usapan.
May show si Jed sa Mall of Asia sa April 28 na may titulong Jed Maddela…Just Human na sinalo lang nina Beth dahil ang dapat na producer pala ng show na ito ay umurong na.
"Pasalamat nga ako kasi para hindi ako mapahiya, sinalo nila ang pagpo-produce ng show, na-announce na kasi," katwiran ng semi-regular ng ASAP ’07.
Bale ba, sa repeat ng concert ni Lea Salonga sa PICC sa February 2008 ay ang LSBA Ventures ang magpo-produce dahil nga special guest uli si Jed.
Tinanong nga namin kung bibigyan ng bonus ang bida ng pelikula ay napangiti ang kausap namin sabay sabing, "Siguro naman."
Pareho raw ang pattern ng Tanging Ina at Cute Ng Ina Mo sa box office kaya’t hindi malayong abutin na rin ng huli ang P250M na itinala ng unang pelikulang pinagbidahan ni Ms. A.
Samantala, nang malaman naman ito ng komedyana ay, "Salamat talaga, sana may regular show na ako," saad sa amin.
Puring-puri rin ni Katya ang mga kasama niyang artista dahil hindi raw niya naramdaman ang insecurities, "Lahat kasi masaya sa set, lahat nagbibiruan maski na matagal, enjoy lahat. Walang big star or anupaman dahil pantay-pantay kaming lahat," kwento niya.
Samantala, masaya ngayon si Katya sa kanyang karelasyon at inamin niyang napag-uusapan na nila ang kasal, pero hindi pa raw kaagad mangyayari ‘yun dahil may kanya-kanya pa silang careers. – REGGEE BONOAN