^

PSN Showbiz

Artista na ang anak ni Jean Garcia!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Story conference bu kas ng Impostora at dalawa sa kasama sa cast ay ang mag-inang Jean Garcia at Jennica. Introducing sa teledrama ng GMA-7 ang 17-year-old at magandang dalagita at ka-love triangle niya sina Mart Escudero at Rich Asuncion.

High school graduate si Jennica at dahil bakasyon naman, pinayagan ni Jean na lumabas sa TV. Ayaw maging stage mother ng actress, kaya kinuha si Manny Valera na manager din niya para maging manager ng anak. Ipinatawag ni Wilma Galvante ang bagets two weeks ago at in-offeran ng show at ‘di na kailangang sumali sa StarStruck.

Nag-promise si Jean na ‘di magbabantay sa set habang nagti-taping ang anak at ayaw din nitong pagtawanan siya ng ibang mothers. Pababayaan niya itong dumiskarte para matuto.

Ninenerbyos si Jean at excited ang anak sa pagpasok sa showbis. Pinayuhan niya itong ‘wag maging sensitive at mataray, maging matapang ang puso at ‘wag magmaldita. Ang gustong iwasan ni Jean ay ikumpara sa kanya ang anak.

Samantala, second regular show ni Jean ang Impostora dahil kasama rin siya sa sitcom na Who’s Your Daddy Now? na magpa-pilot tomorrow. Love interest siya ni Joey Marquez at tila sanay nang nali-link sila. Wala raw romansang naudlot sa kanila’t di umabot sa panliligaw ang paglabas-labas nila at mas comfortable silang magkaibigan.

Hindi sinagot ni Jean ang tanong kung totoong dinoble ng Ch. 7 ang talent fee niya para ‘di na siya bumalik sa ABS-CBN.
* * *
Biglang nawala si Mart Escudero sa presscon ng Regal kay Rich ard Gomez at ‘di na namin nakausap. Tatanungin sana namin ang bagets kung ready na sa taping ng Impostora sa April 18 at sa The Boys Next Door sa Apr. 28. Si Maryo J. delos Reyes ang director ng teledrama at sina Gina Alajar at Jun Lana ang hahawak sa The Boys Next Door.

Aalamin din sana namin sa kanya kundi ba magseselos si Kris Bernal dahil sa Impostora, sina Jennica Garcia at Rich Asuncion ang love interest niya at sa TBND lang sila magkasama.

Sa TBND, siya si Atom, anak ng namatay na asawa ni Rio Locsin, iniwan at kinupkop ng actress na ipagseselos ng tunay na anak nitong si Marky Cielo at kapatid nitong si Aljur Abrenica. Maganda ito’t marami silang eksena ni Aljur na karibal niya kay Kris.
* * *
Sa third week ng My Ghost Bride ng Magic Kamison, magugulat si Lizette (Sunshine Garcia) nang malamang buhay pa si Misty (LJ Reyes). Ano ang alam nito sa pagkamatay ng dalaga?

Masaya naman sina Misty at Adrian (JC de Vera) sa muli nilang pagkikita at dadalhin ng dalaga ang binata sa favorite places nila sa Baguio. Hindi inaasahang papalya ang magic kamison at kakailanganin ang tulong ni Chuchay (Gladys Guevarra).
* * *
Hindi lang pala kung sinong Brazilian lady ang nali-link kay Polo Ravales. Former Miss Earth ito at minsang na-link kay Marc Nelson. May picture ito sa cellphone ng actor at doon nakita ni Manny Valera kung gaano ito kaganda.

Hindi masabi ni Manny kung nanliligaw si Polo sa Brazilian beauty queen at ang alam lang niya’y lumalabas ang dalawa. Naguguluhan din ito sa patuloy na pag kaka-link ng talent kay Zarah Lopez na sabi’y siya pang tumatawag sa press para magkuwento sa kanila ni Polo.

vuukle comment

BOYS NEXT DOOR

IMPOSTORA

MANNY VALERA

MART ESCUDERO

NIYA

RICH ASUNCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with