Anong movie ang unang gagawin ni Mega?
April 14, 2007 | 12:00am
Hindi naman pala siguradong gagawa si Sharon Cuneta ng isang pelikula sa Regal para sa MMFF. Plano pa lang pala ito. Pero naniniwala kaming kung kakausapin nila ang megastar, posibleng gawin talaga ni Sharon ang Regal movie na ‘yan.
Pero naunang di hamak ang proyekto ng Star Cinema. Bukod sa napag-usapan na nakapag-revise na rin sila ng script at sa ngayon schedule na lang ang kailangan para masimulan ang shooting niya.
Pagkatapos nakalinya na rin ang gagawin niya sa GMA Films. Pero kung kami si Sharon ang magiging artista ng aming pelikula, hindi namin ito isasali sa Metro Manila Film Festival. Una, maraming kasabay, natural lang na kahit papaano mababawasan ang kita. Ikalawa, ni hindi mo madiskartehan kung saang sinehan ka ilalabas, dahil palabunutan kung anong sinehan ang mapupunta sa iyo.
Noon talagang ginagawa nila ang malalaking pelikula para sa festival dahil nababalik naman ang taxes noon sa industriya na ibinibigay sa Mowelfund. Ngayon kakarampot na lang naman ang ibinibigay sa Mowelfund, kaya bakit mo pa isasabak sa ganoon ang malalaki mong pelikula.
Kung kami ang may pelikula na ang bida ay si Sharon Cuneta, hindi namin talaga isasali sa festival.
Naging senador na si Loren Legarda. Noon ngang una siyang kumandidato bilang senador, topnotcher pa siya.
Nawala lang siya sa puwesto dahil kumandidato nga siyang vice president, at hanggang ngayon naman hindi pa natatapos ang protesta niya. Dahil sa pagkandidato niyang senador, bale wala na ang protesta niyang iyon.
Pero para nga sa karamihan, si Loren ay hindi pa rin isang senador kung di isang media person na nakahandang dumamay sa problema ng mga kababayan niya.
Eh sa ngayon ba ang mga taong may problema, lalapit sa mga senador? Hindi, sa mga taga-media sila lumalapit dahil mas may nangyayari pa sa reklamo nila.
Magka-live in na pala si direk na gumawa ng mga flop na pelikula at ang male star na bida rin sa isa niyang flop na pelikula. Pinangakuan daw ni direk na isasama sa isang pelikulang gagawin niya para sa isang major film outfit, kaso hindi rin naman natuloy iyon.
Pero iniwan na nga ng male star ang bading niyang manager at nakipag-live in na kay direk. Hindi na bago iyan. Iniwan din naman niya ang syota niyang bading na movie writer noon nang makilala niya ang bading niyang dating manager.
Pero naunang di hamak ang proyekto ng Star Cinema. Bukod sa napag-usapan na nakapag-revise na rin sila ng script at sa ngayon schedule na lang ang kailangan para masimulan ang shooting niya.
Pagkatapos nakalinya na rin ang gagawin niya sa GMA Films. Pero kung kami si Sharon ang magiging artista ng aming pelikula, hindi namin ito isasali sa Metro Manila Film Festival. Una, maraming kasabay, natural lang na kahit papaano mababawasan ang kita. Ikalawa, ni hindi mo madiskartehan kung saang sinehan ka ilalabas, dahil palabunutan kung anong sinehan ang mapupunta sa iyo.
Noon talagang ginagawa nila ang malalaking pelikula para sa festival dahil nababalik naman ang taxes noon sa industriya na ibinibigay sa Mowelfund. Ngayon kakarampot na lang naman ang ibinibigay sa Mowelfund, kaya bakit mo pa isasabak sa ganoon ang malalaki mong pelikula.
Kung kami ang may pelikula na ang bida ay si Sharon Cuneta, hindi namin talaga isasali sa festival.
Nawala lang siya sa puwesto dahil kumandidato nga siyang vice president, at hanggang ngayon naman hindi pa natatapos ang protesta niya. Dahil sa pagkandidato niyang senador, bale wala na ang protesta niyang iyon.
Pero para nga sa karamihan, si Loren ay hindi pa rin isang senador kung di isang media person na nakahandang dumamay sa problema ng mga kababayan niya.
Eh sa ngayon ba ang mga taong may problema, lalapit sa mga senador? Hindi, sa mga taga-media sila lumalapit dahil mas may nangyayari pa sa reklamo nila.
Pero iniwan na nga ng male star ang bading niyang manager at nakipag-live in na kay direk. Hindi na bago iyan. Iniwan din naman niya ang syota niyang bading na movie writer noon nang makilala niya ang bading niyang dating manager.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended