PBB Phils. at Slovenia, magpapalitan ng housemates
April 14, 2007 | 12:00am
May swapping among housemates na mangyayari sa Pinoy Big Brother house Philippines at Slovenia dahil isa sa boarders ni Big Brother ay makakarating sa nasabing bansa.
Same thing na may housemate rin na galing ng Slovenia na titira sa PBB house.
Ayon sa paliwanag ng Business Head Unit ng PBB na si Direk Laurenti Dyogi, isang linggong titira roon at ang sinumang mapipiling housemate, "Hindi po kami ang mamimili kung sino ang housemate na dadalhin sa Slovenia, ‘yung mga taga-roon, same thing with us kung sino rin ang ipapadala nila rito.
"Hindi po malalaman ng housemate na pupunta siya ng ibang bansa because blind folded po hanggang sa nakasakay na siya ng eroplano."
Anyway, iba ang kinalakhang kultura ng 2nd evictee na si Ezekiel Joshua Dimaguila sa Australia kaya’t negatibo ang dating niya sa lahat na naging dahilan kung bakit siya natsugi sa Bahay ni Kuya.
Bagama’t sa Quezon City ipinanganak si Zeke ay sa ibang bayan naman siya nagkaisip, pero aware pa rin daw siya sa salitang Pinoy, hindi nga lang niya alam kung paano gamitin sa tama at maling paraan.
Nag-umpisang magalit sa binata ang lahat nang sabihin niya sa national television na ‘pangit’ si Say Alonzo, 1st season PBB housemate.
Paliwanag ng ‘pamangkin’ daw ni Jose Rizal ay hindi ganu’n ang ibig niyang sabihin kundi, "Everyone is entitled to his own opinion and by saying that to her (Say) I was not being mean to her, what I’m trying to say is she’s not my type of girl."
Pero maski na nagpaliwanag na ang binatang nangangarap maging artista ay hindi pa rin siya nag-apologize kay Say.
Samantala, ibinuking din ni Zeke na kamag-anak niya ang National Hero na si Gat Jose Rizal sa father side dahil, "The father of Jose Rizal has another woman and ‘yung anak nila is my grandfather," esplika ng boarder ni Kuya. – REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended