Nicole liberated pero, napapangalagaan ang virginity!

Isa si Nicole Andersson sa limang GMA bagets na nagpahiram ng boses sa hit anime na Bleach na mapapanood na sa Lunes, sa GMA Anime Swak Pack, makatapos ang Dramarama sa Hapon. Siya si Orihime Inoue, classmate ni Ichigo (Marky Cielo) at may crush dito.

Sa limang nag-dub para sa naturang anime, si Nicole ang talagang nag-enjoy sa kanyang trabaho. Feel na feel niya ang kanyang ginagawa at iniaarte pa niya kung kaya pinagtatawanan siya ng mga nanonood sa kanya sa labas ng dubbing room.

"I welcome the work, it allows me to utilize my other talent. Madali nga akong naka-catch on, sa isang araw nakaka-li mang episodes ako. Madali lang naming natapos ang one season. Sana kami pa rin ang mag-voice over sa second season," wish ng 17 year old na ayaw munang magpaligaw hangga’t di niya feel na may chemistry sila ng liligaw sa kanya.

Aminado si Nicole na liberated siya at ito ay dulot ng pagkakaro’n niya ng isang British dad at isang Pinay na mom. "But I am proud to say na sa kabila ng pagiging liberated ko. I’ve saved my virginity. Nagugulat nga at halos hindi makapaniwala ang mga nakakarinig nito but, it’s true, I’m still a virgin," sabi niya.

Nicole is a senior in high school at a British school at the Fort.

"I’m planning to take up marketing or communications in college in San Francsico," sabi niya.
* * *
Sobrang obsessed ang character ni Katya Santos sa bagong sineserye ng ABS CBN, ang Hiram na Mukha, topbilled by Heart Evangelista, Geoff Eigenmann at Cherry Pie Picache, kay TJ Trinidad.

"Ginagawa ko ang lahat ng paraan para maakit siya dahil obsessed naman siya sa asawa niya. May mga kissing scenes kami but hanggang dun lang ang limit ng pagpapa-sexy ko dahil bukod sa ayaw ko nang balikan ang pagbu-bold ay nasa primetime ang Sineserye," ani Katya na excited dahil kontrabida ang kanyang role sa serye, sila ni Cherry Pie ang evil sisters na magpapahirap ng buhay ni Heart. Ginagampanan ni Katya ang role na ginampanan nun ni Maritoni Fernandez.

Ang Hiram na Mukha ay base sa isang pelikula 15 years ago na pinagbidahan nina Christopher de Leon, Nanette Medved at Cesar Montano, sa direksyon ni Joel lamangan. Sina Heart, TJ at Geoff ang gaganap sa role ng tatlo sa direksyon naman nina Trina Dayrit at Erick Salud.

Tungkol sa isang pangit na babae na nagtatrabaho sa perya. Tumakas dahil sa kalupitan ng tao, sa pagtakas ay nakilala ang isang dalubhasang plastic surgeon at ang asawa nito na kumopkop sa kanya. Nang mamatay ang asawa ng doktor pinaganda nito ang pangit at inihawig sa namatay na asawa. Mahuhulog ang loob nito sa pasyente pero paano ang lalaking iniwan ng dating pangit na babae na nagmahal sa kanya kahit pangit siya?
* * *
Pinatindi pa ang comedy block ng GMA sa mga pagbabagong magaganap simula ngayong Sabado sa Todo Saya Party ng KiliTV.

May bagong set na ang Bitoy’s Funniest Videos, mas pinasayang segments at promos: ang Guess Who na magpapakita ng celebrity guest na naka-disguise ay pahuhulaan sa audience ang identity para sa pagkakataong manalo P2,000; Pl0,000 naman ang premyo sa makakahula ng apat na beses na paglabas ni K Brosas.

May new look din ang HP! to the Highest Level dahil pinarami ang games at ang mga behind the scenes footage.
* * *
veronicasamio@yahoo.com

Show comments