Serbisyo nga ba ang dahilan kaya pumapasok sa pulitika ang mga artista?
April 13, 2007 | 12:00am
Diretsahang sinasabi ngayon ni Judy Ann Santos na kahit na raw siguro ano pa ang mangyari hindi niya papasukin ang pulitika dahil hindi niya talagang hilig ‘yon.
Kung ang mga mahuhusay na artista, kapag pababa na ang acting career ay pumapasok sa pulitika, hindi si Juday. Alam niya na mas matindi pa ang kinabukasang naghihintay sa kanya sa showbusiness. Isipin ninyo, magkano ang kinikita ni Juday sa isang taping lamang ng kanyang tele-novela?
‘Yong isang linggong taping ni Juday mas malaking di hamak kaysa sa isang buwang suweldo ng mayor.
‘Yong isang commercial lang ni Juday, mas malaking di hamak sa anim na buwang suweldo ng isang governor. ‘Yong isang pelikula ni Juday na gagawin niya ng mga 21 days lamang, mas malaki ang talent fee kaysa sa legal na suweldo ng presidente ng Pilipinas. Eh sa panahong ito na napakaganda ng takbo ng kanyang career bakit nga ba siya mag-aambisyong pumasok sa pulitika?
Mas malaki lamang ang kita ng mga pulitiko kaysa kay Juday dahil sa graft and corruption, pero sa malinis na sistema, kakain sila ng alikabok kay Juday! Kaya, kung minsan mag-iisip ka rin eh, kung bakit mga sikat na artista eh na pumapasok pa sa pulitika, bakit kaya? Maniniwala na kaya tayo sa madalas na biro ni Rico J. Puno?
Pero mabuti naman, hindi balak pumasok ni Juday sa pulitika. Ibang klase ang banatan sa pulitika. Tingnan nga ninyo si Vilma Santos, sa showbusiness iginagalang siya, pero dahil sa pulitika, napagsasabihan siyang tatlong oras mag-make up para maitago ang pilegis sa mukha.
Madalas palang makatikim ng bugbog mula sa kanyang asawang aktor ang isang magandang aktres. Kung sa bagay kilalang magaan ang kamay ng aktor. Ang ginagawa na lang daw ng magandang aktres, umaalis sa kanila at umuuwi sa bahay ng mga magulang niya, pero basta naman sinundo siya ng asawa niyang nambubugbog sumasama rin naman siyang pabalik.
Kung iisipin mo, kasalanan din niya, pumapayag siya sa ganoon eh.
Kung ang mga mahuhusay na artista, kapag pababa na ang acting career ay pumapasok sa pulitika, hindi si Juday. Alam niya na mas matindi pa ang kinabukasang naghihintay sa kanya sa showbusiness. Isipin ninyo, magkano ang kinikita ni Juday sa isang taping lamang ng kanyang tele-novela?
‘Yong isang linggong taping ni Juday mas malaking di hamak kaysa sa isang buwang suweldo ng mayor.
‘Yong isang commercial lang ni Juday, mas malaking di hamak sa anim na buwang suweldo ng isang governor. ‘Yong isang pelikula ni Juday na gagawin niya ng mga 21 days lamang, mas malaki ang talent fee kaysa sa legal na suweldo ng presidente ng Pilipinas. Eh sa panahong ito na napakaganda ng takbo ng kanyang career bakit nga ba siya mag-aambisyong pumasok sa pulitika?
Mas malaki lamang ang kita ng mga pulitiko kaysa kay Juday dahil sa graft and corruption, pero sa malinis na sistema, kakain sila ng alikabok kay Juday! Kaya, kung minsan mag-iisip ka rin eh, kung bakit mga sikat na artista eh na pumapasok pa sa pulitika, bakit kaya? Maniniwala na kaya tayo sa madalas na biro ni Rico J. Puno?
Pero mabuti naman, hindi balak pumasok ni Juday sa pulitika. Ibang klase ang banatan sa pulitika. Tingnan nga ninyo si Vilma Santos, sa showbusiness iginagalang siya, pero dahil sa pulitika, napagsasabihan siyang tatlong oras mag-make up para maitago ang pilegis sa mukha.
Kung iisipin mo, kasalanan din niya, pumapayag siya sa ganoon eh.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended