Humingi si Jom ng paumanhin sa kanyang mga supporters sa kanyang ginawang pag-atras.
Samantala, very vocal na si Jomari sa kanilang relasyon ng ex-wife ni Martin Nievera na si Pops Fernandez. Kahit parehong annulled na ang kanilang respective marriages sa kanilang mga ex-partners na sina Aiko Melendez (para kay Jomari) at Martin Nievera (kay Pops), wala pa raw sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal. Ang mahalaga raw ay kapwa sila masaya ni Pops sa kanilang relasyon ngayon.
Kung hindi na muling tatakbo ang ina ni Boy na si Nanay Lising na kasalukuyang vice-mayor ng Borongan, ito’y sasaluhin naman ng nakatatanda at kaisa-isang kapatid ni Boy na si Fe Abunda na siyang kandidato ngayon sa pagka-bise alkalde. Naging maugong din ang balita sa Eastern Samar na tatakbo umano si Boy sa pagka-kongresista ng nasabing lugar pero kami na mismo ang nagsabi na hindi ito totoo. At kapag ito’y itinuloy ni Boy, tiyak na wala siyang katalu-talo.
Bago kami umalis ng Borongan ay balitang-balita doon ang pagdating ni Boy nung April 11 kasama ang kanyang mga alagang artista bilang suporta sa kanyang kandidatong kapatid na mukhang sigurado na rin ang panalo.
Samantala, pagdating naman namin ng Tacloban City, kapansin-pansin ang mga streamers at posters ng mag-asawang Alfred at Cristina Gonzales-Romualdez na kapwa kandidato sa pagka-mayor at konsehal respectively. Si Alfred na dating kongresista ng isang distrito ng Leyte ay tumatakbo ngayon sa pagka-mayor na iiwan naman ng kanyang amang si Bejo Romualdez. Pagka-konsehal naman ang target ng dating singer-actress.