^

PSN Showbiz

Aktor, pinalagyan ng halikan ang serye nila ng isang aktres

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tipong nahuhulog na nga ang loob ng sikat na aktor sa kanyang kaparehang young actress sa isang show. Unti-unti na itong nagpaparamdam sa leading lady at katunayan ay kinausap nito ang director para lagyan ng kissing scenes ang script na sinunod naman ni Direk.

Dati na itong ginagawa ng aktor lalo na kapag type niya ang kapareha kung saan kinakasabwat ang director para lagyan ng kissing scenes ang ilang eksena.

Pero parang wa epek ito sa young actress dahil wala pa siyang kakaibang nadarama sa aktor. Hindi kasi type ng magandang aktres ang isang lalaking may sabit.
Bianca, Batang Judy Ann Santos
Bukod kina Charming at Kristal na pinasikat na mga batang artista ni Becky Aguila ay gumagawa na rin ng pangalan si Bianca Pulmano, 10 years old. Katunayan, may ibubuga rin ito sa pag-arte kaya kinuha agad sa Atlantika bilang batang Amaya. Kasama rin ito sa Daddy’s Angel, isang episode sa Angels kung saan kaibigan siya ni Nash Aguas.

Gagawin pa rin nito ang Quija kung saan si Bianca ang gaganap bilang batang Judy Ann Santos. Magkahawig naman sila, di ba?
Sis Skul For Da Vj
Minsan nang nagka roon ng mga Sis school kung saan ipinakikita kung paano nga ba maging isang hiphop dancers, weather girl, action star, rapper at kung anu-ano pa.

This time, ipapakita naman ng Sis kung paano maging isang VJ video jock. Ano nga ba ang mga dapat tandaan para maging super cool at super okey na VJ.

Guest ngayong Thursday sina Sugar Mercado, Alyssa Alano, Ella V, Edgar Allan, Ryan Yllana, Roselle Nava, Aiza Seguerra, gayundin ang Abstract Dancers.

ABSTRACT DANCERS

AIZA SEGUERRA

ALYSSA ALANO

BATANG JUDY ANN SANTOS

BECKY AGUILA

BIANCA

BIANCA PULMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with