Edu, mahihirapang bitawan ang Pilipinas GKNB?

Kahit na natutuwa dahil lahat ay binabati siya sa napakagandang paghu-host niya ng iniwang game program ni Kris Aquino na Pilipinas GKNB?, inamin ni Edu Manzano sa presscon ng Walang Kapalit, bagong serye ng ABS CBN na magsisimulang mapanood ngayong April 23, ayaw niyang masyadong i-attach ang kanyang sarili sa programa sapagkat "Temporary lamang ako sa show kaya ayaw kong maging comfortable dito, baka mahirapan akong bitawan ito pagbalik ni Kris."

Pero, idinagdag din ni Edu na enjoy siyang mag-host ng game show and that he often communicates with Kris (Aquino) para i-update ito sa mga kaganapan sa show.

"I remember na nagkaro’n din ako ng birth pains nung unang i-host ko ang programa. Hindi natutuwa sa akin ang mga tao behind the show pero, later on enjoy na kaming pare-pareho ng mga tao at staff," kwento pa ng magaling na aktor at TV host na ginagampanan ang role ng mga magulang (sila ni Dina Bonnevie) nina Piolo Pascual at Claudine Barretto na lumaking nagtuturingang magkapatid pagkatapos magpakasal ng kanilang mga magulang. Silang dalawa rin ni Dina ang mga gumanap sa pelikulang Paano Nahahati ang Langit na kung saan kumuha ng inspirasyon ang serye na dinidirek ni Wenn Deramas.

"Hindi ito remake o sequel, may ibang istorya na ito na hinimay namin at hinanapan ng mas magandang kwento," ani Direk Wenn.

Bawal na pag-ibig daw ang sumibol kina Piolo at Claudine na simula’t pagkabata ay nag-aaway na’t di magkasundo pero nakaramdam ng mas malalim na damdamin bukod pa sa nadarama ng dalawang magkapatid.

Ang Walang Kapalit is partly shot in Australia and also features an all-star cast made up of Jodie Sta. Maria, Bobby Andrews, Amy Austria, TJ Trinidad, Nikki Valdez, Deejay Durano, Candy Pangilinan, Lloyd Samartino, Susan Africa, Eda Nolan, Victor Basa, Joem Bascon at marami pang iba. Sina Sam Concepcion at Julia Barretto ang gumaganap na mga batang Piolo at Claudine.
* * *
Isa na namang anak-anakan ni Mother Lily ang iprinisinta nito sa entertainment press nung Martes ng gabi. Ito ang senatoriable na si Loren Legarda na bagaman at palaging nangunguna sa mga survey ay nagsabing hindi siya mapapagod na mangampanya sapagkat gusto niyang mas maparami pa ang kanyang boto para mahirapan ang sinumang magtangkang dayain siyang muli.

Hindi man nagbunga ang kanyang napakamahal na protesta, masaya na siya na mapatunayan n iyang marunog siyangf lumaban sa mapayapang paraan.

Hindi ito first time na tulungan ni Mother Lily si Loren. Naro’n din siya at sumuporta dito nanag tumakbo itong bise presidente.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan, marami ang humanga na namintina ni Loren ang kanyang good looks na aniya ay dulot ng hindi paninigarilyo, hindi pag-inom ng kape, pag-inom ng maraming tubig at pagkain ng dinengdeng sa agahan. Ayaw din niya ang ingay. Kapag nakasakay siya ng kotse at nasa kanyang opisina, pinapatay niya ang radyo o anumang bagay na nagbibigay ng ingay.

Nangako si Loren na tutulong para mapababa ang binabayarang buwis ng mga local producers. Ito ang pinaka-mahalagang konsiderasyon ng mga taga-industriya para nila siya iboto.
* * *
Sa lahat ng mga emails na tinanggap ko na nagtatanong tungkol sa healing priest na si Fr. Joey Faller, siya po ay matatagpuan sa Mapagpalang Kamay ni Hesus church na matatagpuan sa Brgy Tinamnan, Lucban, Quezon. May healing sessions siya dun tuwing Lunes at Sabado, 9 NU hangga’t may tao. May sked siya na inilalabas ng aming kapatid sa Philippine Star na si Ricky Lo sa column nito, paki-abangan lang po.
* * *
veronicasamio@yahoo.com

Show comments