"Sobrang pasalamat ko kay Lord, sobrang blessings ang ibinigay sa akin, wala akong mahihiling pa kasi ibinigay niya ang wish ko.
"Pati sa lahat ng nanood na, maraming salamat at sana, ulitin nila," say ng komedyana.
Walang ideya si Ms. A kung magkano ang first day ng pelikula dahil hindi naman daw siya sinabihan ng taga-Star Cinema, pero nung magtanong kami sa taga-Dos ay usapan daw na nagtala ng P11M sa first day at nasa P14M naman ang second day.
Dagdag pa ng nagkuwento sa amin, "Hindi po bumababa ng P10M a day nationwide ang kita ng Ang Cute Ng Ina Mo, so kung apat na araw na, nasa P40M plus na, wala pong padding ‘yun."
Samantala, tinanong namin kung truliling may offer ang GMA-7 kay Aiai dahil hanggang ngayon ay may mga nagtatanong sa aming taga-Siete kung ano ang regular show sa Dos ng komedyana dahil nga interesado raw silang kunin ito tulad ni Judy Ann Santos.
"As of now, wala naman akong natatanggap, eh. Ewan ko si ama (Boy Abunda) kasi hindi naman niya sinasabi kung hindi pa concrete o sure na. At hindi rin naman ako nagtatanong kasi ayoko namang makulitan sa akin.
"Pero kung ako ang tatanungin, why not kung maganda ba at okey din ang tf. Pinag-uusapan na kasi rito, e, ‘yung ikabubuhay ko, e, loyal nga ako sa ABS-CBN, wala naman silang maibigay sa aking regular show, e, siguro maiintindihan nila kung bakit ako lilipat if ever.
"Sana kung sing-yaman ako ni Aga Muhlach na maski hindi magtrabaho at papeli-pelikula lang minsan sa isang taon ang ginagawa, e, okey na ako, kaso hindi, may mga anak akong binubuhay at single parent ako, so siguro maiintindihan ako ro’n. At saka hindi naman porket’ nag-work ka sa ibang network, e, wala ka nang loyalty no’n," maganda niyang paliwanag.
Since kumita naman ang Ang Cute Ng Ina Mo, hindi pa ba hudyat ito para bigyan ng show si Ms. A sa Dos?
Nagkataong dumalaw kasi ang aktres sa first shooting day at nakita niyang sobrang dami ng dugo ang dumaloy sa bibig ni Paolo at ayaw na nga niyang magpadala sa ospital dahil katwiran niya ay okey lang, pero nagpilit daw mismo si Angel na dalhin ang aktor sa malapit na pagamutan kung saan tinahi ang bibig nito.
"Nakakaloka pala, nakaka-nerbyos kasi siyempre, bilang producer dapat sagot mo lahat ang nangyayari, hindi sa babayaran ako concerned kundi sa aksidente," kuwento raw ng dalaga sa ibang katoto.
Masarap daw palang maging producer si Angel ayon mismo sa staff and crew ng pelikula dahil bukod sa hands on na ay maalaga pa at hindi sila ginugutom sa set at maging ang mga artista raw ay puring-puri ang isa sa gold mine ni Tita Becky Aguila. – REGGEE BONOAN