"I just want to bring out the best in my students. Strict lang talaga ako pero balanced. I know my limit," sabi ni Sweet na na-misterpret na terror sa loob ng Bahay ni Kuya.
Walang idle moment kapag kasama mo si Sweet. Ang dami mong matututunan sa kanya. Lalo na sa mga aspiring singer at kahit na sa mga professionals na gustong mag-refresh ng voice training sa kanya.
"Hindi komo bumibirit ka, hindi ibig sabihin magaling ka na. Depende iyan sa baga mo. At kung ano ang kaya ng katawan mo! Hindi dapat puro sigaw, ingatan ang boses natin, kaya enough sleep kailangan iyan. Pero dapat be humble at matuto tayong ibalik sa Panginoon ang talent natin dahil hiram lang natin ito. Yung sumikat bonus na lang iyan," paliwanag ng 34 yrs old na si Sweet.
Graduate si Sweet sa UP sa College of Music, major in voice. She works with the best people in the industry lalo na kay Ryan Cayabyab bago siya naging member ng The Company.
Late na nga siya nag-asawa dahil sa dami ng magagandang opportunities na dumating sa kanya. Kaya inuna muna niya ang kanyang career bago sila nag-settle nang napangasawa niyang isang sound engineer. Meron na rin silang turning 2 yr old boy ngayon.
Para patunayan na hindi mo kailangan bumirit may solo part si Sweet sa "Destination2 Bossa" album ng The Company na "Souvenirs," at "La Isla Bonita" kasama sa 12 cuts ng CD. Ika-17th album ito ng The Company na release ng Viva Records.
Ang Bloomfields ay binubuo ng limang members na sina Louie Poco, 21 yrs old, Jayjay Lozano, 22 yrs old, Rocky Collado, 21 yrs old, Lakan Hila, 24 yrs old at Pepe Lozano, 24 yrs old na nagsimula ang barkadahan during high school days nila sa La Salle Greenhills. Pero ang tinutugtog pa nila noon ay alternative at punk music. Nang mag-college ay nahilig na sila sa mga 60s songs at kinarir na nila ang pagtugtog ng rock n roll.