Nobelistang nawalan ng karapatan sa kanyang obra
April 8, 2007 | 12:00am
Hanggang ngayon, hindi pa malinaw sa nobelista/scriptwriter na si Pablo S. Gomez kung ano ba ang karapatang naiwan sa kanyang akdang Hiram Na Mukha.
Dati nang ginawang pelikula ang kanyang nobela sa komiks at bida si Nanette Medved. Gagawin namang teleserye ng ABS-CBN ang Hiram Na Mukha at bida si Heart Evangelista.
"Wala naman akong kontrata sa ABS-CBN na maari nilang gamitin ang Hiram Na Mukha," reklamo ni Pablo.
Ang nakalimutan naman ng beteranong manunulat, binayaran na siya ng Viva Films para sa nasabing nobela. Ibig sabihin, ang Viva na ang may karapatan kung ano ang gusto nilang gawin dito.
"Wala naman akong pinirmahang kontrata sa Viva tungkol dito," naalala pa ni Pablo. "Basta’t binayaran lang ako at tinanggap ko naman."
Talagang may kalabuan ang mga pangyayari tungkol sa kung sino pa talaga ang may-ari ng intellectual property ng Hiram Na Mukha. Baka naman sa pagtanggap ng pera ni Pablo, hindi na niya binasa ang nakasulat sa voucher na pinirmahan niya. Ang hirap dito kung nakalagay doon ay outright sale, talagang nabili na ang lahat ng kanyang karapatan sa nasabing nobela.
Ibig sabihin nito, kahit ano pa ang gawin ng Viva Films dito  pelikula at teledrama; o kahit gawin pang pocketbook, komiks at sa iba pang media, hindi na maaaring makialam si Pablo Gomez.
Isang anekdotang nangyari isang Holy Week ang naalala ko ngayon. Sangkot dito ang isang veteran actress, direktor at movie reporter.
Madalas magkasama ang aktres at direktor sa pelikula, kaya’t naging matalik na magkaibigan sila.
Pumasok sa eksena ang isang movie reporter na gustong makabahagi ng biyaya mula sa multi-awarded actress. Ang ginawa ng malabigang reporter, siniraan ng husto ang direktor.
Naniwala naman ang aktres sa mga kasinungalingan ng reporter at nag-akalang totoo ang mga paninira sa direktor. Kaya kahit nasa kalahatian na ang pelikulang ginagawa nila, nagbanta siyang titigil sa pagpunta sa shooting kung hindi paalisin sa project ang direktor.
Biglang nawalan ng trabaho ang direktor dahil sa isang backbiter. Ang reporter naman na ang akala ay nagwagi na siya ay nagsimulang bigyan ng pera ng aktres. Meron pa siyang rasyon na isang kabang bigas buwan-buwan.
Isang Biyernes Santo, ang malungkot na direktor ay nasa Vinzon, Camarines Sur; nanonood ng penitensya. Bigla na lang siyang natalsikan ng dugo mula sa isang nagpepenitensya.
Noong araw ding yon, nanonood din pala ng penitensya ang aktres sa Angono, Rizal. Natalsikan din siya ng dugo mula sa isang taong pinapapalo ng mga bubog at pako ang kanyang sarili.
Sa dalawang magkahiwalay na pangyayari, iisa ang naging epekto. Ang aktres at direktor ay nakapagnilay-nilay upang patawarin ang mga nagkasala sa kanila at magtika sa kanilang mga pagkakamali.
Lalo pa’t nalaman na ng aktres ang pagka-backbiter ng reporter at lahat ng mga masamang ugali nito. Kaya pinatawagan niya sa kanyang manager ang direktor upang magkita-kita sa isang tanghalian sa Pasko ng Pagkabuhay.
Sa kanilang muling pagkikita, nagkasundong muli ang aktres at direktor. Buong kababaang-loob, humingi sila ng dispensa sa isa’t isa.
Mga ilang araw pa ang nagdaan, muling nagkatrabaho sa isang pelikula ang direk tor. Sa pagkakataong ‘yon, higit na matibay na ang kanilang pa giging magkaibigan. Hindi na muling masisira ito ng mga "pagsaksak ng talikuran at katraydoran""
Happy Easter sa ating lahat!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended