Character actor, hindi nangilin sa Holy Week?

Hay kahit Mahal na Araw talagang hindi pinatawad ng character actor na si Mon Confiado. Hindi man lang nangilin sa mga panahong nagluluksa ang sankakristiyanuhan para gunitain ang Mahal Na Araw. Talagang nagpa-presscon siya kahit Holy Tuesday. Actually, siya lang for this week ang alam kong nagpa-presscon para lang daw i-clear ang issue na binigyan niya ng Fortuner si Juliana Palermo na unfortunately ay hindi sila masasagot dahil kasalukuyan itong nasa Amerika.

Hindi man lang pinalipas ang Mahal Na Araw para magsalita against Juliana or yung sinasabi niyang to set the record straight na hindi niya binigyan ng Toyota Fortuner ang naging girlfriend niyang si Juliana. Baka raw kasi habulin siya ng BIR at baka raw magalit ang pamilya na nagregalo siya ng ganun kamahal according to a source.

Ganun. Kung hindi ba naman ito publicity eh anong ibig sabihin nito? Eh ano naman kung binigyan niya o hindi ng Fortuner si Juliana samantalang wala namang mawawala sa kanya. Kung ang problema niya eh ang pamilya niya, eh di sana nag-explain na lang siya sa kanilang magarang tahanan para ipaliwanag sa kanyang mga kapamilya ang kanilang problema kung meron man ng ex-girlfriend na si Juliana. Tuloy ngayon, baka lalo siyang habulin ng BIR dahil nalaman nilang marami pala siyang negosyo.

Kaya lang Mahal Na Araw, walang dyaryo, wrong timing ang publicity.
* * *
Nakakatawa ang pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo starring AiAi delas Alas, Anne Curtis, Luis Manzano at Eugene Domingo under the direction of Wenn Deramas for Star Cinema and Viva Films na naka-schedule ang showing this Sabado de Gloria.

Natawa kami nang i-review sa Cinema Evaluation Board (Graded B ang movie). In fairness, kakaiba naman ito sa Ang Tanging Ina pero tungkol pa rin sa inang grabe ang pagmamahal sa anak – AiAi - pero inabot ng lahat ng kamalasan si AiAi habang paalis sana sila papuntang Australia. Kaya ayun, lumaki ang kanyang anak na si Anne na wala siya sa tabi except sa nanny portrayed by Eugene Domingo na nakilala ng Australian father ni Anne sa eroplano dahil nga naiwan si AiAi ng eroplano na kasalanan ng crowded na comfort room (hindi agad siya nakaihi kaya ayun, iniwan ng eroplano). She did everything naman para makasunod pero, malupit sa kanya ang pagkakataon.

Dahil sa naging kapalaran, sinubukan niyang pumunta ng Australia dahil yumaman naman siya nang pakasal sa isang mayamang may-ari ng pagawaan ng patis. Pero sadly, hindi nagtagpo ang kanilang landas. Nakinabang kasi si AiAi sa yaman ng kanyang napangasawa - hindi pa sila nakakapag-honeymoon, nag-goodbye na ang matandang mayaman dahil aksidenteng nagpatiwakal sa kanyang patung-patong na alahas sa leeg.

Anyway, after 20 years bumalik si Anne. Dahil nga hindi niya nakasama ang ina sa paglaki, hatred ang nararamdaman niya rito kaya ginawan niya ng issue ang ina na hindi ito dapat pakasalan ng kanyang Australian father.

Nakakatawa rin ang mga scenes nina Anne at Luis na maganda ang abs at muscles sa arms.

Si Anne naman, parang mas gumanda siya sa movie na ‘to in fairness. Tama ‘yung Australian accent niya na kung sabagay naman ay dun siya talaga galing.

Maraming cute at nakakatawang eksena ang Ang Cute Ng Ina Mo though may ilan ding corny.

Hindi lang naman kasi purely tawanan ang pelikula. May mix ng drama, pero ang intention talaga ay magpatawa at mag-touch ng heart ng bawat manonood na pamilya.

At sa panahong ito, kailangan nating tumawa at ganitong pelikula ang kailangan natin. Ang init na nga ng panahon ang init pa ng pulitika lalo nga ngayong papalapit ang election.
* * *
"Oras na ma-elect ako sa senado, maghahanap ako ng paraan kung paano tulungan ang movie industry," sabi ni Senatoriable Miguel Zubiri nang minsan makitsika siya sa entertainment press.

Suportado ni Mother Lily Monteverde ang candidacy ni Congressman Zubiri. Sabi nga ni Mother, "Hindi na bago sa akin ang sumuporta sa kandidato kapag malapit na ang eleksyon."

Show comments