Christian, nag-aaral pa rin

Hanggang ngayon non-stop pa rin sa pag-aaral si Christian Bautista kung paano ma-improve ang kanyang craft.

Katunayan sa kabila ng hectic schedule nito ay naisingit pa rin niyang mag-undergo ng training kamakailan sa Trumpets na kanyang pinanggalingan at malaki ang naitulong sa kanyang career ngayon.

Nagsimula si Christian na sumali sa Trumpets pagka-graduate niya sa UP. After a year ay naging assistance teacher siya ng Trumpets. At 2004 nang mag-compete siya sa Star In A Million at kinuha siya ng Warner Music.

"Confidence wise malaki ang natutuhan ko sa Trumpets. Like paano mo ma-overcome ang kaba sa stage, ano ang gagawin mo pag na-black out ka. Alam ko na rin kung paano gamitin ang voice ko na hindi madaling mapagod. At higit sa lahat, hindi na ako pumipiyok ngayon," pagmamalaki ni Christian.

Pagdating sa disiplina siyempre continuous ang kanyang vocalization at natutulog din siya ng maaga. Hindi rin siya umiinom ng sobrang malamig na tubig. At pag may performance siya, bawal ang gatas, keso at chocolate.

"Promise hindi ako mabubuhay ng walang chocolate kaya tiis muna pag may show. Ang gatas naman kasi, nabubuo na laway sa lalamunan kaya bawal munang uminom pagkakanta ka," imporma nito.

Kung gaano kabilis ang pagsikat ni Christian ay nahirapan naman ang kanyang family nung una. Siya lang kasi ang showbiz sa kanilang pamilya kaya hindi sila sanay na may nagpupuntang reporter o TV crew sa kanilang bahay.

"Pero ngayon okey na sila. Sanay na rin silang lagi akong wala sa bahay at bigla na lang susulpot," paliwanag ni Christian.

Nakilala nang husto si Christian sa hit single niyang "The Way You Look At Me" hindi lang dito sa ating bansa kundi maging sa Indonesia, Thailand, Malaysia at Singapore. Pero mukhang nagsasawa nang kumanta ng mga covers si Christian. Reklamo niyang gusto naman niyang kumanta ng Tagalog original songs. Kaya promise nito na sa susunod niyang album, may sarili na siyang Tagalog song.

Samantala baka kayo na ang susunod na maging Christian B. kaya mag-enrol sa Trumpets workshop. All ages, hanggang April 14. Puwede ring mag-audition para sa gagawin nilang High School Musical play sa Podium Mall, Ortigas Center sa no. 818-1111 loc 225.
* * *
Bibilib ka sa idea ng Alpha Records na gawing bossa sessions ang mga cover songs tulad ng "Night And Day," "Bizarre Love Triangle," "I Can’t Tel You Why," "Call Me" "The Wind Beaneath My Wings," "Fly Me To The Moon."

Naghanap pa talaga ang Alpha ng bagong singer. At hindi sila nabigo kay Pavi Elle, 21 yrs old. Siya ang nanalo sa nationwide singing contest ng STI. At para lalo pang gumanda ang album ni Pavi sinuportahan siya ng mga batikang musicians ng bansa: Roly Rodriguez (sax), Marcy Estrella (harmonica) at Elmer Gappi (percussion).

Si Pavi ay tubong Capiz at may piggery ang kanyang pamilya doon. Graduate si Pavi ng Programming sa STI. Tatlo silang magkakapatid na parehong nasa banda rin. Hindi ikinahihiya ni Pavi na tubo siyangg Capiz at ngayong buwan ng Mayo ay uuwi siya dun para parangalan ng kanilang bayan.

Ang "Pavi Bossa Sessions with Tropicalia" ay Latin groove na hinaluan ng pop rock and RnB touch.

Show comments