Sa UP, pinag-usapan ang isang Indie film na nagkaro’n ng isang araw na pagpapalabas nung Marso 20. Pinamagatang Pantasya sa direksyon ni Brillante Mendoza. Nagtatampok ito ng limang istorya ng mga bading na ginagampanan ng mga baguhang seksing aktor at tumatalakay sa mga ‘men in uniform’.
Ang mga episodes ay Biyahe, tungkol sa isang baklang estudyante na nakatagpo ng comfort sa isang taxi driver.
Ang Laro ay nagpapakita ng isang kaganapan sa isang mens locker room matapos ang isang basketball game.
Ang Linya ay tungkol sa isang baklang estudyante na ang kaligayahan ay sa loob ng isang pampasaherong bus.
Bilis. Isang delivery bag ang nagmamadaling maihatid ang isang pizza sa isang gay yuppie na nago-overtime.
Nag-aaway na gay lovers ang tampok sa Bantay at kung paano pinapayapa ng isang sekyu ang nagpupuyos na damdamin ng isa sa kanila.
Ang Pantasya ay gawa ng Center Stage at available na sa video sa buwang ito.
Ang 2007 hunks include Andrew Smith, John Lopez, Kim Gantioqui, Adrian Racho, Haroun Morales, Al Galang, Rafael Gonzales, Zachi Uy, Mark Loyola, Aaron Canlas, Joseph Walker at Bo Rivera.
Ang mga babae naman ay sina Cherry Kubota, Arra Castro, Jacqueline Christian, Raine Larrazabal, Angelie Cerral, Zarah Aldana, Jacqueline Boquiron, Gail Nicolas, Lidiane Tomm, Gemma Gatdula, Nadine Halvarsen at Jamie Burgos.
Ang mananalo ay tatanggap ng P100,000 cash, P50,000 pang-shopping, watch from Breil Watches, gym membership, bling from Miladay, special gadget at ang chance na malagay sa cover ng mga magazines.
Makakakuha ng ticket sa lahat ng Mossimo branches mula April 13-20.