Maganda si Nicole, mataas, pwedeng model at okey ding sumali sa beauty contest. Remember, ex-beauty queen ang mommy niya na si Jean Saburit noon. Pero hindi yata type ni Nicole na mag-join sa beauty contest, marahil dahil bata pa, mahilig pa sa gimik. Best friend niya si Bianca King.
Diretsahan namang sinabi ni Jean, hindi siya tumitingin sa pera, pagdating sa manliligaw ng kanyang mga anak. At lalong hindi siya nakikialam sa pag-ibig ng mga anak. Bagay sana sina Nicole at Mark, pero walang nangyari. – VG