3 mos lang tumagal ang relasyon ni Mark sa isang Kapuso
March 31, 2007 | 12:00am
Curious kami kung sinong talent ng GMA-7 ang naging girlfriend ni Mark Bautista for three months lang dahil hindi nila nakayanan ang sobrang pagtatago dahil nga magkaiba sila ng network.
Sa nakaraang presscon ng Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario-Corpus ay kinumusta namin kay Mark ang magandang relasyon nila ngayon ni Pinoy Dream Academy Top 6 Irish Fullerton dahil balita namin ay boto sa binata ang mommy ng dalaga. At kung sakaling maging sila na nga ay first time niya magkakaroon ng showbiz girlfriend.
"Ay, hindi naman, if ever, bale second na," kaswal na sabi ni Mark na ikinagulat namin dahil wala naman yata kaming nabalitaang may naging dyowa siyang taga-showbiz?
Halatang natigilan si Mark dahil nadulas pala siya at last year lang daw sila nag-split ng mystery girl na taga-Siete.
"Mahirap kasi, ah.. hindi kami basta puwedeng gumimik, kapag manonood kami ng sine, dapat last full-show tapos hindi pa kami sabay pumasok sa loob ng sinehan, mauuna siya with her friend tapos susunod ako, same thing pag lalabas na, mauuna siya.
"So the relationship only lasted for three months and we decided to part ways kesa ganun, pareho kaming nahihirapan," esplika ng binata.
Maski na anong pilit at nangakong io-off the record namin ang namesung ng 27 year-old girl na may once-a-week show daw sa Siete ay ayaw talagang pangalanan ni Mark.
Anyway, excited na ang binatang singer/actor dahil ilo-launch na ang 14 tracks album niya na may titulong "Every Now and Then" ng Earth, Wind and Fire na puro revivals ng mga sikat na awitin nung dekada ’80. Ka-join din si Mark sa pelikula nina Piolo Pascual at Regine Velasquez na kasalukuyang sinu-shoot ngayon.
"Iba talaga ang pagmamahalan namin ni Manzano, for seven years, grabe ang pinagsamahan namin, that’s why I can’t really forget him, ibang level na ang love namin sa isa’t isa, he’s my greatest love talaga and no one can replace that. If ever I fall in love again, siguro that will be my true love na kasi I had na may first love, and that’s Oyo Boy (Sotto)," ito ang deretsahang pahayag ni Anne Curtis sa pa-presscon sa kanya ng VAA.
Inamin din ng aktres na kung sakaling hindi sila magkatuluyan ay kailangan at dapat tanggapin ng mapapangasawa niya na, "Manzano will always be a part of my life at hindi niya ako puwedeng pagbawalan whatever feelings I have for Manzano at kung sakaling magkita’t mag-bonding kami as friends."
So, sino ang mas matimbang kina Luis at Oyo Boy na aminado rin ang ‘anak’ ni Aiai de las Alas sa Ang Cute Ng Ina Mo na parehong importante sa buhay niya.
"Magkaibang level kasi,as I’ve said before, greatest love ko si Manzano at first love ko si Oyo, so ang kulang na lang, true love at ‘yun ang magiging husband ko," malinaw sa paliwanag ni Anne.
Samantala, hindi rin nakaramdam ng pagseselos si Anne sa torrid kissing scene nina Luis at Angelica Panganiban dahil para sa kanya, "Work lang ‘yun and I know Manzano, hindi siya ganun. Whatever he said about the kiss, I know, trabaho lang," esplika ng dalaga. – REGGEE BONOAN
Sa nakaraang presscon ng Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario-Corpus ay kinumusta namin kay Mark ang magandang relasyon nila ngayon ni Pinoy Dream Academy Top 6 Irish Fullerton dahil balita namin ay boto sa binata ang mommy ng dalaga. At kung sakaling maging sila na nga ay first time niya magkakaroon ng showbiz girlfriend.
"Ay, hindi naman, if ever, bale second na," kaswal na sabi ni Mark na ikinagulat namin dahil wala naman yata kaming nabalitaang may naging dyowa siyang taga-showbiz?
Halatang natigilan si Mark dahil nadulas pala siya at last year lang daw sila nag-split ng mystery girl na taga-Siete.
"Mahirap kasi, ah.. hindi kami basta puwedeng gumimik, kapag manonood kami ng sine, dapat last full-show tapos hindi pa kami sabay pumasok sa loob ng sinehan, mauuna siya with her friend tapos susunod ako, same thing pag lalabas na, mauuna siya.
"So the relationship only lasted for three months and we decided to part ways kesa ganun, pareho kaming nahihirapan," esplika ng binata.
Maski na anong pilit at nangakong io-off the record namin ang namesung ng 27 year-old girl na may once-a-week show daw sa Siete ay ayaw talagang pangalanan ni Mark.
Anyway, excited na ang binatang singer/actor dahil ilo-launch na ang 14 tracks album niya na may titulong "Every Now and Then" ng Earth, Wind and Fire na puro revivals ng mga sikat na awitin nung dekada ’80. Ka-join din si Mark sa pelikula nina Piolo Pascual at Regine Velasquez na kasalukuyang sinu-shoot ngayon.
Inamin din ng aktres na kung sakaling hindi sila magkatuluyan ay kailangan at dapat tanggapin ng mapapangasawa niya na, "Manzano will always be a part of my life at hindi niya ako puwedeng pagbawalan whatever feelings I have for Manzano at kung sakaling magkita’t mag-bonding kami as friends."
So, sino ang mas matimbang kina Luis at Oyo Boy na aminado rin ang ‘anak’ ni Aiai de las Alas sa Ang Cute Ng Ina Mo na parehong importante sa buhay niya.
"Magkaibang level kasi,as I’ve said before, greatest love ko si Manzano at first love ko si Oyo, so ang kulang na lang, true love at ‘yun ang magiging husband ko," malinaw sa paliwanag ni Anne.
Samantala, hindi rin nakaramdam ng pagseselos si Anne sa torrid kissing scene nina Luis at Angelica Panganiban dahil para sa kanya, "Work lang ‘yun and I know Manzano, hindi siya ganun. Whatever he said about the kiss, I know, trabaho lang," esplika ng dalaga. – REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended