Libro tungkol sa movie reporting

Maraming mga movie reporters ang matutulungan ni katotong Boy Villasanta sa paglalabas niya ng kanyang librong Exposé: Peryodismong Pampelikula (Movie Reporting in the Philippines) ngayong 4NH sa Robinson’s Galleria Cinema.

Masasagot ng nasabing libro kung totoo nga ang impresyon na ang movie reporting ay "tsismis" at "intriga" lang, na ito ang pinakamababang antas ng pamamahayag, na "pinabili lang ng suka" ang karamihan sa mga movie reporter.

Mahalaga ba ito sa ating buhay? Bahagi ba ito ng ating pangkalahatang eksistensya? Na kakambal nito ang lahat ng larangan kabilang na ang pulitikal, ekonomiko, panlipunan, teknolohikal, kultura at iba pang aspeto ng buhay? Malaki ba ang ginagampanan ng movie reporting sa pagbabago ng buhay ang sambayanan kabilang na ang mga gumaganap sa trabahong ito? Malalaman mamaya.
* * *
Meron bang kabahayan na walang ipis? Ang alam ko ay problemang malaki ito ng mga tulad kong maybahay at ina ng tahanan.

Dalawang celebrity moms ang nakatagpo na ng solusyon sa ganitong problema, sina Atty. Gaby Concepcion at Jewel Lobaton-Pimentel na galit sa mga ipis pero, ayaw namang gumamit ng spray. Kaya bumaling sila sa isang produkto, ang Blattanex Cockroach Gel, pwedeng pumatay ng 75 ipis sa 50 lugar na mapaggagamitan ng isang maliit na tube ng Blattanex Cockroach Gel. Ayaw ko ring maniwala nung una pero, nang masubukan ko ito ay nakita ko kung gaano ito ka-epektibo, di pa ako matatakot na baka makasama ito sa aking tatlong apo, dalawang mahigit sa dalawang taong gulang at isang anim na taon.

Try n’yo lang sa kusina, kwarto, sala at maski na sa opisina. Kapag di naubos ang ipis sa mga lugar na ito, huwag na kayong umulit. Mabibili ito sa mga supermarkets at groceries.
* * *
Mapapanood n’yo na sa inyong mga bahay ang Tsinoy comedy na Mano Po 5: Gua Ai Di na nagtatampok kina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Tungkol sa isang veterinarian (Richard) at isang mayamang Tsinay (Angel) na na in love sa isa’t isa pero tumutol ang ina ng Tsinay (LT) dahil may iba itong lalaki na gusto para sa anak (Christian Bautista).

Ang DVD version ay may mga special tracks tulad ng director’s and actors’ commentaries. Taglay din nito ang music video ng theme song ng movie, ang "My Heart Has a Mind of its Own" na inawit ni Christian.
* * *
veronicasamio@yahoo.com

Show comments