Kaya lang, mas nakakatakot ang stunts niya rito. In fact, kuwento nga ni tita Annabelle Rama, every time na papunta ng shooting si Richard parang ayaw niyang payagan ang anak dahil ayaw naman nitong magpa-double sa delikadong eksena. Ang katuwiran naman kasi ni Richard, minsan lang ito mangyayari, besides kaya niya naman kaya ayaw niya ng double.
The more na mahirap ang stunt, mas nai-excite si Richard.
Anyway, parehong magastos ang bagong dalawang programa ng GMA 7 na magkasunod ding nagkaro’n ng press launching – Lupin at Fantastic Man. Although, hindi na kailangan ng copy rights ng Lupin dahil according to Ms. Wilma Galvante, public domain ito, marami silang gagastusan sa mga stunts.
Ang Fantastik Man starring Mark Herras, kailangan ng effects dahil sa ganito nakilala ang nasabing character ni Vic Sotto sa pelikula.
Parang exciting itong Fantastik Man dahil kasama si Joey Marquez na mas piniling mag-showbiz kesa makigulo sa pulitika.
Ang Lupin ang makakapalit ng Bakekang na nag-end na kagabi at mapapanood after Holy Week samantalang ang FantastikMan ay every Saturday starting April 14 after Bitoy’s Funniest.
At pag medyo nakainom na si father, grabe na kung magkuwento. Mas malakas pa ang boses sa mga kainuman.
Gone are the days na hindi mo puwedeng basta-basta lapitan ang pari at halos napaka-prim and proper. Napaka-holy. Parang ikaw ang mahihiyang mag-ingay pag nakasama mo sila at ang parang feeling mo mangungumpisal ka lang para sabihin ang mga nagawa mong kasalanan. Nowadays, hindi na ganito ang sasabihin mo pag nakilala mo ang paring ‘to na visible sa showbiz. Siya na parati ang bida sa kuwentuhan.
Well, siguro nga dala ng panahon at pagkakataon kaya sociable na si father.