Text votes, mas nakasasama kesa nakakabuti?
March 30, 2007 | 12:00am
Maliwanag na kung nanalo man si Mart Escudero sa Starstruck yon ay dahil lamang sa dami ng text votes na kanyang nakuha, kasi lumalabas na sa kanilang contest, kalahati ng boto ay base sa text votes.
Isang halimbawa na nga si Mart, naalis na siya pero nakabalik pa dahil sa text votes. Binigyan na siya ng demerits dahil sa nagawang kapilyuhan, pero nanalo pa rin dahil sa text votes.
Ok na sistema yang text votes dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga nanonood na magbigay ng kanilang opinyon at mabibilang yon sa panalo ng gusto nilang contestant, bukod doon kumikita pa ang network sa mga text votes. Pero hindi nangangahulugan na ang nakakakuha ng pinakamaraming text o internet votes ang pinaka-popular sa mga tao. Hindi naman natin maikakaila na ang isang tao ay maaaring magpadala ng 100 hanggang 1,000 o higit pang text votes para sa isang kandidato lamang. Kung natatandaan ninyo, nangyari na rin yan noon na nagkaroon sila ng problema dahil yong hindi dapat manalo talaga, nanalo rin dahil sa dami ng text votes.
Ngayon kahit na nga ano pa ang sabihin nila, marami pa rin ang naniniwala na ang talagang dapat na ituring na number one sa mga nanalo ay ang Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ng Pampanga. Marami ang nagsasabing malakas ang appeal ni Aljur sa mga fans, hindi nga lang siguro siya nagkampanya ng husto para makarami ng text votes, pero kahit na ang mga sanay na sa showbusiness ang tanungin mo, sinasabi nila na mukhang mas may qualities na bagay sa showbusiness si Aljur kaysa sa ibang nanalo, kabilang na si Mart Escudero.
Masakit pakinggan pero mukhang totoo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended