Tulad na lang ni Aaron Agassi na birthday ngayong araw, March 29 dahil pasulput-sulpot lang siya sa Abt Ur Luv at ASAP pero ang nakakaloka pang sagot ng bagets, "Okey lang po, naghihintay lang ako sa ibibigay sa akin ng Star Magic.
"Naniniwala po kasi ako na kung para sa ‘yo ang project, kusang darating at as of now po, masaya naman ako sa nangyayari sa akin since nag-aaral naman po ako," esplika pa rin ni Aaron.
Paano magiging okey, e, wala nga siyang datung na dumarating at aminado rin naman ang binatilyo na nahihirapan sila ng pamilya since pare-pareho silang magkakapatid (Michael at Carlos) na walang regular income.
"May mga out of town shows po, doon lang po, at saka may bakery at resort business naman po kami. So doon po kami nakakakuha ng panggastos namin," pagtatapat pa ni Aaron.
At bisi-bisihan din si Aaron sa nalalapit na launching ng album niya under Universal Records. Teka, bakit hindi sa Star Records?
"E, sa Universal po ako nag-submit ng demo tape ko at saka in-endorse po ako sa Universal," mabilis na paliwanag ng bagets.
"Abut-abot po ang kaba ko, imagine, alas kuwatro ng umaga naroon na kami sa pila at ang nakuha kong numero 2,039, samantalang ang tinatawag palang ay nasa one thousand plus palang.
"Nakakatuwa po, single entry po ‘yung visa naming lahat na taga-Pinoy Dream Academy kasi working visa po ‘yun."
At ang una raw niyang gagawin pagbaba niya ng eroplano ay, "Sisinghutin ko po ‘yung hangin, nanamnamin ko ang paghinga at mamimili ako ng pampasalubong sa nanay at tatay ko.
"Para sa nanay ko, mga t-shirt na may nakalagay na USA o America at sa tatay ko po ay pangkamot ng likod, kasi parating nangangati ang likod niya," seryosong sabi ni Ronnie.
Samantala, this Sunday, April 1 ay launching na ng debut album ni Ronnie sa ASAP ’07 under Universal Records at ang carrier song ay "Ngiti". – REGGEE BONOAN