Kapag iniimbitahan siya ni Derek sa kanilang tahanan para dun kumain ay may kasamang mga kaibigan ang aktres.
Kasama ito sa Rounin at katambal si Luis Manzano kung saan mayroon silang torrid kissing scenes.
Bukod sa pag-arte ay abala rin ito sa pagiging recording artist kung saan gumagawa na siya ng album, prodyus ng isang independent recording company released by Galaxy Records. Papunta rin itong Korea by May kung saan siya may concert.
Ang hinanakit ni Kuya Germs ay ang hirap maimbitahan ang mga artista at may mga handler na sila na siyang namamahala sa kanilang schedule. Hindi na sila ganun kadaling maimbitahan sa show gayung malaki naman ang naitulong ng Master Showman sa career ng ilang artistang ito. Hindi rin maganda ang ugali ng ilang handler lalo na kung sikat ang artistang hawak nila.
Nangyari rin ito minsan sa akin kung saan alaga ko pa bilang publicist ang isang sikat na aktres. Nakiusap ako sa handler na kung pwede ay maimbitahan ang aktres sa aming PSN Xmas party kung saan malaki ang suportang naibigay namin sa kanya kahit sandali lang.
Mabilis na sagot ng handler ay "Hindi pwede dahil busy siya," ni hindi mo makita ang magalang na pananalita na nagpapakita ng kababaang loob. Feeling niya ay mas star pa siya sa hina-handle na artista kung umasta.
Ayon pa nga kay Kuya Germs, hindi lang pala manager ang problema kapag nag-iimbita ng artista kundi gayundin ang mga handler.