Bebong, gusto nang pakasalan si Jolina

Tatlong araw na la mang at iiwan na ng tuluyan ni Bakekang ang libu-libo niyang manonood na naki-iyak sa mga sakripisyo niya para sa kanyang dalawang anak na sina Charming at Kristal; nagalit sa maraming pagkakataon na nagpakita siya ng favoritism kay Kristal at nakigalak sa matagumpay nilang pakikibaka sa buhay at kay Valeria.

Sa mga nalalabing araw hindi pa rin naman maligaya si Bakekang, lalo’t nagpapasiklaban ang dalawa niyang anak. Matamo pa kaya niya ang pinapangarap niyang buhay sa piling nina Kristal at Charming? At mayro’n pang nakatakdang mamatay, isa sa mga tauhan ng serye na ikagugulat ng marami. Kung sino ito ay malalaman sa mga nalalabing araw ng Bakekang na napapanood sa GMA7 matapos ang Super Twins.
* * *
Ang po pular na restoran na pinasikat ng ispesyalidad nitong fried chicken ay nagsisilbi na rin ng almusal, 7-10NU sa lahat ng 72 Max’s outlets.

May ilang mapagpipilian, tulad ng Tapa Meal na binubuo ng tapa na ang recipe ay orihinal na founder ng Max’s na si Nanay Ruby Trota, fried rice, 2 fried eggs at kape. May idinagdag pa si Chef Gene Gonzales na Adobo Flakes Meal, Pepperoni Omelet Meal at Vegetable Omelet.

Ang Triple Chocolate Champorado ay sinamahan ng pritong tuyo at suka. Gayundin ang Sausage Meal, Longganisa Meal at Bangus Meal. Ang lahat ng ito ay kanilang ipinatikim sa media kamakailan lamang at walang umuwing gutom.
* * *
Da lawang malaking dahilan meron si Atty. Bebong Muñoz para umuwi ng Pilipinas matapos ang limang taong pananatili sa bansa ng mga puti. Ang una ay para makapiling ang kanyang girlfriend ng six years na si Jolina Magdangal na sa mahabang panahon ng kanilang relasyon ay parang iisa’t kalahating taon lamang silang nagkapiling dahil napakalayo ng pagitan nilang dalawa.

Ang second reason niya ay para makatulong sa iniwan niyang bansa. Bagaman at may limit siyang ibinigay para sa gagawin niyang pagtulong sa pamamagitan ng pagtakbo bilang kongresista sa 2nd District ng Caloocan na napapabalitang inatrasan daw niya, pero itinanggi niya at sinabi niyang walang katotohanan.

"After a while ay gusto ko namang mag-focus sa aking pamilya. Gusto ko nga sana kaya ako umuwi ay para magpakasal na kami pero, ipagpapaliban muna namin hanggang sa makatapos ang eleksyon."

Tapos si Bebong ng ekonomiya sa Ateneo, abogasya sa UP at masters ng Public Administration sa Columbia University, New Yok, USA. Nagtrabaho siya sa Public Strategies Group na isang political consulting firm na kung saan ay naging kliyente niya ang mga gobyerno ng maraming bansa. Naging konsehal na siya nun ng Caloocan at adviser ni dating pangulong Joseph Estrada.

"Hindi lang kami mag-boyfriend ni Bebong, magka-tropa rin kami," ani Jolina nang makausap namin ito makatapos ang StarStruck Final Judgment Day.
* * *
veronicasamio@yahoo.com

Show comments