"Matalas ang pakiramdam ko kahit di ko makita ang kabuuan ng bahay. Nagpapasalamat nga ako dahil bukod sa akin ay titira rin dun ang bunso kong anak na si Angelo na nasa haiskul na ngayon at pinag-aaral ni Angel," anang ama ng aktres.
Sa Marso 30 pa ang uwi ng aktres, nagtitaping pa ito ng Asian Treasures sa Bangkok.
Mabuti na lang at cancelled muna ang commercial shoot nito ng isang brand ng shampoo sa nasabing bansa.
Ang bilis gumawa ng malaking pangalan ni Lovi at malaking tulong ang pagkakasama nito sa Bakekang bilang si Kristal. Bukod sa magaling kumanta ay maaasahan din ito sa pag-arte.
Marami nang hukbo ng tagahanga ang aktres dahil mabait ito at di lumaki ang ulo sa gitna ng tagumpay.
Loveless pa rin ang aktres kahit maraming manliligaw dahil prayoridad ang career.
Talagang suportado ng GMA 7 ang career ni Shine dahil may follow-up agad ang Bakekang.
Ngayong summer, ang Becky Aguila Agency ay bukas para sa workshops nito gaya ng acting for stage film at TV, voice lessons, speech and personality development, jazz ballet, ballroom, hip-hop at street dancing. Bukas ito para sa mga bata, teens, adults and seniors.
Para sa karagdagang detalye, tumawag lang at magpalista sa telepono blg. 9328261 o 9328264 o mobile no. 09209705025 mula 11AM to 7PM at hanapin si Ms. Cecille. Ang first day of class at deadline ng enrolment ay sa Abril 10, 2007.